Asaan
Ni Mark Christopher D. Mellor
(flash fiction - isang maikling kwento na naglalaman ng mga salita na mas mababa pa sa limandaang salita)
“Eli! Eli!”, paulit ulit kong binabanggit ang pangalan nya. Nanabik akong makita syang muli, halos limang taon din kaming hindi nagkita. Nagtungo ako sa aming dating tagpuan, parke kung saan naroon ang rebulto ni Rizal. Wala pa din nagbago sa kanyang mga matang tila nangungusap, suot nya pa din ang paborito nyang bestida at kay tamis pa din ng kanyang ngiti, halata ang pananabik na masilayan akong muli. Kasabay ng mga masasayang batang nagtatakbuhan ang puso kong lumulundag sa saya. Ngunit sa paglagapak ng reyalidad ay… sumabay ang biglaang pagbuhos ng ulan sa patak ng luha sa lumang larawan.
Wednesday, December 9, 2009
KAHON ( napapanahong lathalain sa pakiramdam ng Pasko)
Mahirap talagang maging katulad ko, puno ng pasakit at kabigatan ang buhay ko. Ramdam ko kadalasan na buhat ko ang buong mundo. Punta dito punta doon, kailangang magawa ang dapat gawin. Kadalasan ay hindi pa nakokontento and aking amo, sisiksikin nya pa ako ng mga problema at sasamahan pa ito ng pagkulong sakin sa silid at bibigkisan pa ang buhay ko ng pagkasikip sikip na pisi. Halos mapigtal ang aking hininga. Ang tagal na ng panahon na ito lamang ang gampanin ko sa buhay. Walang promotion. Nakatambak. Nag-aantay ng tunay na panahon. Katotohanan ng buhay.
Dumating ang panahon sa kung saan kinakailangan na akong ilipat sa ibang lugar, sa ibang amo. Di ko na inaasahan na makakita pa ng bagong pag-asa. Alam kong nakapako na ako sa ganitong gampanin sa buhay… ngunit dumating sa punto na unti unting tinanggal ng aking bagong amo ang balot sa akin… makinang na papel. Unti unti nyang inalis ang mga problema sa aking loob… biyaya pala ang aking dinadala. Ganito pala ang pakiramdam... Pasko. Pasko na pala.

Subscribe to:
Posts (Atom)