Tuesday, September 21, 2010
Monday, September 20, 2010
Sunday, September 19, 2010
Pantasya ng Kalalakihan
Kay lambing ng iyong tindig, harap at likod walang palya
Kay lambot ng iyong mga labi, bawat halik dulot ay pag-ibig
Kay bango ng iyong suot na nanunuot sa laman mong kay lambot
Kay ganda ng mukha na tila baga'y ikaw ay dyosa
Kay kinang ng iyong mga mata na tila na kung tumitig nakaka baliw talaga
Kay ganda ng hubog ng katawan, dama ang hinaharap sa sandaling yapusin ka
Kay sarap ng init ng palad pag dumampi sa galit mong pag-aari
Kay lagkit ng iyong tingin, kahit sino ay maglalaway
Kay lalim ng kanyang kwebang sa dilim ay magliliwanag ka
Kay sama ng iyong tindig lumulubog sa daigdig
Kay kati ng iyong palad at walang ibang hinanap kundi ang alahas
Kay bilis mong hubarin ang iyong suot na nagpapakita ng masagwa mong balat
Kay sagwa ng iyong mukha isang madilim na panaginip na walang patid
Kay lisik ng iyong mga mata na tila kung tumitig ay papatay sa bilis ng kisapmata
Kay taba ng hubog ng katawan, dama ang tiyan sa sandaling magyakapan
Kay sakit ng dulot ng iyong palad pag dumapi sa inosenteng pisngi
Kay lagkit ng iyong tingin kahit sino mukhang gusto mong patusin
Kay lalim ng iyong kwebang daang libo ang nakapasok na
Sunday, September 12, 2010
Pag Ako'y Tinamad
Ang daming dapat gawin. School works, practicum requirements, humanap ng bahay na malilipatan, humagilap ng pera sa mabuting paraan, matulog, kumain, at syempre huminga...
Bakit pa kailangang mag-aral ng mag-aral, hindi naman lahat ng pinag-aaralan e magagamit sa trabaho at tunay na buhay. So what kung ang tawag sa dinadaanan ng pagkain papuntang bituka e esophagus? Anong maitutulong nun sa buhay natin? Alam mo ba sa Filipino ang esophagus? So what kung malaman mong ang Ms. Universe 1974 ay ginanap sa Manila, Philippines at ang nanalo dito ay Spain. Walang kakwenta kwenta. Pag ako tinamad hindi na ako mag-aaral ng kahit ano!
At dahil dyan... tinatamad na ako.
Basta lagi nyo na lang tandaan, mas nakakatamad gumawa ng wala. :)
Ang Iyong Desisyon ay Aking Tadhana
Ang tulang ito ay naisulat sa pagninilaynilay na ang tinatawag nating tadhana...
Natuklasan ko na ang tadhana pala ay hindi totoo, nagiging totoo lamang ito kung hindi natin makikita na lahat ay pinagsunod sunod na desisyon lamang...
Nagdesisyon si Babae na pumunta dito sa lugar na 'to... Nagkataon namang ganun din ang desisyon ni Lalaki. NAKATADHANA na magkita sila. :)
Ang Iyong Desisyon ay Aking Tadhana
Nababalot ng lamig ang buong paligid
Unti-unting nanunuot ang kalungkutan sa aking daigdig
Hindi alintana ang mga maaring mangyari
Ni hindi ko maisip kung paano mapipigtas ang tali
Sa buhay na puno ng kahibangan
May lumapit na ika mo'y makapangyarihan
Isang ngiti ay sadyang nakakagaan at nagdudulot ng ligaya
Mga matang waring nagsasabing kay sarap mabuhay sa twina
Dahan-dahang umusad ang buhay kong pagal
Ngayon ay napupuno ng pagpapala ng Maykapal
Dahil sa isang desisyon mong ako'y lapitan
Nagbigay kuhulugan sa aking buhay at ating pagmamahalan
Salamat sa walang pagtatanging pagmamahal
Ang puso ko ngayon nagkarron ng patutunguhan
Ngayon ako'y nagkaroon ng kaibigang makakasama
Dahil sa ang iyong desisyon ay aking tadhana
~~~ ♥♥♥
Subscribe to:
Posts (Atom)