Sunday, June 6, 2010

Mag-Isa

Masarap sa pakiramdam na hindi ka nakatali sa isang relasyon... walang iyakan, walang mga paulit ulit na away, walang dapat alalahanin kundi ang sarili lamang. Pero mas masarap sa pakiramdam kung may isang taong andyan, laging handang mag-alaga sayo, nag-iisip sayo, handang dumamay sa tuwing kailangan mo. Masaya na may nagmamahal sayo ng sigurado, nag aalay ng matamis na pag-ibig, tapat at totoo. Mahal ka dahil mahal ka.

Masarap maging single. Masaya magkaroon ng buhay pag-ibig.

Nagkamali ako sa mga naging hakbang sa kahapon.

Nagbitaw ng mga maling salita. Sumuong sa maling daan, nagmahal at nasaktan. Nagbigay ng maling reaksyon sa naging sitwasyon. Nagsalita nung mga panahong dapat nakikinig, umalis noong panahong dapat nagantay, nanghusga noong panahong dapat akong nagtiwala, at nagpakatanga noong panahong dapat umunawa.

Nagkamali ako sa mga naging hakbang sa kahapon.

Ngunit naisip ko na mas magkakamali ako sa kasalukuyan kung hahayaan kong ang mga pagkakamaling ito ang humadlang sa aking paglago bilang nilalang, bilang taong hindi tumitigil ang pagtibok ng puso para sa Maykapal. Ngayon ay bagong araw. Mamuhay ng Masaya kahit na alam kong ako’y mag-isa.

~~~

Naglalakad ako kanina at nakakita ako ng nag-iibigan,pagsakay ko sa jeep nakakita ako ng nagiibigan, naglakad ako sa parke nakakita ako ng nagmamahalan at nagroromansang itik. :)

Naniniwala akong di magtatagal at darating din ang pag-ibig sa akin. Nagkahiwalay ng dating naging pag-ibig kasabay ng paglisan ng pag-ibig sa buhay ko.


Iniwan ng pag-ibig, dumating ang bagong pag-iisip.


Dorian???

2 comments:

  1. matutong maghintay..kung ang pag-ibig ay tunay, sa matagal na panahon kung ang iniibig ay bumalik ikay nariyan parin. sana. -TUNAY NA PAG-IBIG "KOY" GANYAN

    ReplyDelete