Minsan sa buhay natin may mga bagay tayong hindi inaasahan... kagaya ng pagkain ng siomai kahit na hindi ako nakain nito ♥
Kahit gaano man kabuti ang buhay, dumadating talaga ang pagsubok na kailangang harapin. Kahit gaano naman kahirap ang buhay, may mga bagay padin na talagang dapat ipagpasalamat sa Panginoon... kagaya ng tatlong pirasong siomai, isang basong coke at ang pagkakataong makasama si Ms. Anne! ♥
☺☺☺ UNANG PAGKIKITA
Pag baba ko ng sasakyan, mukha ng pagkagulat ang unang dumapo sa mukha ko ng makita ko ang isang binibining di na bago sakin ang mukha dahil tatlong taon ko itong nakakasalubong sa loob ng pamantasan... tatlong taon ko ding hinahangaan ang kanyang nakakabighaning mukha. Hindi maitatanggi dahil talagang halatang halata sa mukha ko na nagulat ako, hindi nagamit ng isang Psych major ang kanyang talento sa pagtatago ng nararamdaman. Para namang isang pahayag mula sa libro ang aking nadama ng hinimay himay ito ni Ms. Anne at agad nyang nalaman na nagulat ako.
Inisip ko na kasama lang siya ni Jacob dahil sila ang magkatabi noong mga oras na yun. Agad akong lumapit sabay sabing, "Di ba Lit Major ka from PNU?". Agad naman nyang tinanong na isa akong Psych Major. Nagtataka pa din ako kung bakit sya andun, tinanong ko ulit sya, "ano pong role mo?". Parehas pala kami. Siya pala iyong babaeng wala noong workshop. Magkasama pala kame sa eksena.
Early pull out ang dating ng shoot date na 'to kaya 2am pa lang e magkakasama na kame.
♫♫♫ BYAHE PAPUNTANG LAGUNA
3 service ang hinanda para sa buong tropa. 8 kame sa loob ng service papuntang Laguna, at lahat sila ay nagnanais matulog. Pero kameng dalawa ni Ms. Anne e parang mga naka droga, ang titibay ng mata namen at halata ang pananabik sa mga maaaring mangyare sa araw na ito.
Kahit pasikat pa lamang ang araw e we talked about stuffs everything under the sun. We share common knowledge kasi pagdating sa Faith, Theories of Personality at syempre pagiging guro. Buong dalawang oras na byahe, walang preno ang aming mga bibig at tenga sa pag-uusap. Lahat ng maisip e bibigkasin. Nalaman ang mga simpleng pilosopiya sa buhay.... hanggang sa dumating na kame sa location. Hello Pila, Laguna!
♪♪♪ BREAKFAST sa location
Hotdogs, corned beef, fried rice and a newly found friend.
Masarap mag almusal sa isang lugar na tila ba dinadala ka sa panahon ng kastila. Hindi alintana ang pagod sa byahe at puyat. Walang humpay na kwentuhan at walang humpay na kulitan pa din.
►►► SHOOT PLACE
Mula alas kwatro ng umaga hanggang sa mag-aalas kwatro na nang hapon ang nangyareng paghihintay. Madami kasing eksena ang bagong commercial na ito. Astig talaga ang lugar dahil makaluma ito at ang isa pa sa nagpasaya sakin ay ang museum na malapit sa shoot place. Nagdadalawang isip kame ni Ms. Anne kung pupunta kame sa museum kasi nga naman baka mapagalitan kame ni Direk. Pero ayus lang, dumaan kame saglit sa Museum (isa sa pinakagusto kong gawin) at nagtingin tingin ng mga lumang artifacts doon. Ang saya kasi ang simpleng shooting sana ay nagkaron ng kulay dahil sa aking nakasama at aming nagawa.
Nagpicture kame ng mga lumang bahay, tumawa ng walang humpay dahil kay lucky at nagkwentuhan tungkol sa mga nakaraan naming buhay pag-ibig... :)
Madami akong natutunan kay Ms. Anne at sana madami din syang natutunan sa akin. Freudian... past affects the present! tama?? TAMA~~
♥♥♥ TAKE ONE
Dumating na nga ang oras na kame na ang sasabak sa eksena, take one!
Kakasagot pa lang sayo ni Shoemart, Rustan's medyo nahihiya ka pa sa kanya at dahil wala kang pera, siomai lang ang treat mo at isang litrong coke.
"We must express our emotions thru eye contact", yan ang naisip namen dahil kailangang mag-express ng pag-ibig with siomai and coke. :))
Sablay ang unang take dahil hindi daw halata na may namamagitan samin. Ang weirdo naman kasi, sabi nung mag katrabaho lang kame tapos pag dating sa actual scene e magboyfriend pala kame. Weird din dahil ang daming eksena, kami pa ang magkasama. Magkaparehas na school ang pinanggalingan, hindi naman kami naguusap noon at ngayon eto kame, umaarteng kakasagot lang nya sakin! FATE!
☼☼☼ TAKE TWO
Parehong scenario pa din, kakasagot lang pero this time kailangan ang tamamng pikit sa pag-inom ng coke. At syempre ang tamang pagkain ng siomai! Dapat daw macho ang pagkain hindi pacute at para naman kay Ms. Anne, lagyan ng "ahhh" effect pag katapos uminom ng coke.
▬▬▬ TAKE THREE
This time, matagal na kame... as in super tagal na dapat ang relasyon... mga isang buwan! :)) kaya inusog ng konti ang upuan para medyo mapalapit. May subuan ng siomai ang nangyare. Sweet kaso kulang padin daw dahil wala daw akong ginawa kundi pagpacute!
Ang hindi ko talaga maiwasang tignan ay ang kanyang mga matang tila nangungusap. Para bang nagsasabing ang sarap mabuhay, napakaexpressive. I can't resist her charming eyes.
▲▲▲TAKE FOUR
"Madami ng nangyare sa inyo... na magandang bagay". Yan naman daw ang eksena ngayon, closer... better!
May bulong factor na. May ibubulong ako sa kanya na ikakataba ng kanyang puso... at take note! Hindi ko mapigilang ibulong si INC (haha kame na nakakaalam nyan). Kada bulong tawa at kagat sa siomai. Inom sabay "ahh". Konting tingin na nagpapahiwatig ng pag-ibig at tila ba'y sayang saya kame sa aming ginagawa.
▼▼▼ TAKE FIVE
Hindi pa din kontento ang client at ang director, "we are wasting too much film already"... Kinabahan na kame, pareho ata kameng sablay sa acting... hmmm!
Pinausog pa ako ng konti. May nakaharang na gadget kaya hindi namen masyadong magawa ang dapat naming ginagawa, pero we find ways... Busog na rin kame sa siomai at sa coke. Naging title na nga ng eksena namin ang SioMai Love. Ipakita natin nagmamahalan tayo... :) May bulong factor, may pag-inom at pagkain ng siomai. Konting tapik sa akin dahil kinikilig sya...
♥♥♥ TAKE SIX
"Alam mo namang mahal na kita mula pa ng una"
"Hindi ko mapigilan ang puso ko sa paghanga sayo"
"Mananatili ka sa puso ko, at lahat ng benta ng sapatos ko ay para sayo"
"Mahal ka daw ni INC"
"Nasa school pa lang tayo e talagang may gusto na ako sayo"
*Bigsmile*
Ilan lang yan sa mga katagang binubulong ko! Double Mark na ang take five, pero ito pa din kame sa take six. Nagpapakita ng pagmamahalan sa harap ng camera!
♀♂♀ TAKE SEVEN!!! FINALLY!
"MOVING ON!", means pwede nang tumungo sa susunod na eksena. :)
Dito sa take seven namin natagpuan ang chemistry na dapat meron kameng dalawa. "Kayong dalawa siguro e may gusto sa isa't isa sa totoong buhay kaya nagkakahiyaan kayo sa pag arte" asar pa nga ni direct. Hindi ko naman naitanggi dahil crush ko naman talaga sya first year pa lang ako. Pero more than her pretty face, its the purity of her soul that makes her lovely. ♥
Inuulit ko, ITS THE PURITY OF HER SOUL that makes her lovely!
May pag punas na sa pawis ang eksena! SAYA!
♦♦♦UWIAN NA!
Ang ating ending... hatid sa bahay nyo! Ngayon tuloy hinahanap hanap kita! SAYA!
Pauwi naflatan pa ng gulong... FATE IS REALLY DEMANDING THAT WE SPEND MORE PRECIOUS TIME TOGETHER! hahaha! Filingero! CIAO BELLA RAGAZZA! Til next time that we see each other again!
THEME SONG: Hinahanap hanap kita by Sitti! :)
Sunday, July 18, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment