It is said that there are three colors of a traffic light to tell us and to let us know when to stop, when to let go and when to take action...
STOP
Tama na ang pag mamahal sa isang tao ng lubos ay hindi nangangahulugan na siya na ang para sa atin. Minsan na din akong nagmahal ng lubos at ipinalangin ko na sana ay siya na hanggang sa katapusan ng mundo... Walang konsepto ng happy ending akong naiisip dahil hindi ko kailanman inisip na titigil ang aming pagmamahalan. Walang ending.
Hindi tama na isipin natin na ang pagmamahal ng sobra ang nagdudulot ng sakit kundi ang mga masasamang pangyayari tulad ng pag ka taken for granted at pagtatarantado ng ating minamahal. Pagsasayang ng pagkakataong tayo ay nakakadama ng tunay na ligaya...
Totoong masakit isipin na may mga taong hindi kayang magpahalaga sa mga taong nagmamahal sa kanila... pero mas masakit na malaman na kaya naman nilang pahalagahan pero hindi nila ginagawa dahil hindi nila iniisip na pwede itong mawala at magsawa... dahil kampante sila na mananatili ang pagmamahal na to hanggang sa umabot na mapagod at magsawa na :(
Siguro nga kailangan nang tumigil sa panahong hindi na nakikita ang iyong halaga bilang umiibig sa taong mahal mo... nagsasama dahil nakasanayan na lang...
Habang patuloy mong minamahal ng sobra ang taong ayaw naman magpahalaga, patuloy na masasayang ang iyong pagmamahal at masasaktan ka lang... Ayaw mong tumigil dahil takot ka ding mawala ang taong mahal mo, wala ka ng pakialam kung tawagin ka mang bayaning papalit sa martyr na si Jose Rizal basta maipadama mo lamanag na ikaw ang nagmamahal... ikaw ang may ginagawa para sa inyong dalawa... pero wala..... di mo mawari kung tanga siya o nagtatanga tangahan...
Takot kang mawala siya, pero siya ba takot na mawala ka???
Ikaw na ang nagmamahal pero siya ba napapakitang mahal ka? :(
LETTING GO
Ang pag lelet go ay hindi naman pagsuko sa pagmamahal kundi pagtanggap na sadyang may mga bagay na kailanman ay di tatagal ng walang hanggan...
Gustuhin man nating ipaglaban, kung ang taong dapat kasama nating lumalaban ay wala na... wala na ding patutunguan ang ating pakikipag laban... Minsan inaakala natin na ang taong ito ang syang makakatuluyan natin, hindi natin nalalaman na itong tao na ito ang syang magiging dahilan ng pagluha natin.
Kailangan matutong mag let go para makawala sa sakit ng nakaraan... pag daanan ng mag-isa ang sakit at hindi gagamit ng rebound.
Masakit ba ang magmahal? Hindi.
Masakit bang pakawalan ang taong minamahal? OO.
Kung minsan ka nang nagpaalam, dapat matuto ka na ng manindigan. Pero sa likod ng paalam ay ang pag-asang minsan ay babalik ang taong nagpaalam sayo... hindi para kumalimot ng agad agad. Ngunit minsan ay kailangang tanggapin na hindi lahat ay bumabalik, ang iba ay tuluyan ng lumilisan at kailanman ay hindi na malilikom pa ang mga nasayang na pagmamahalan at saya...
Hindi mo man gusto ngunit ito ay kailangan mo... pagtanggap.
May mga taong dadating upang muling patamisin ang mapait nating buhay ngunit tandaan na dapat nating kayanin mag-isa sapagkat mahirap mang gamit ng ibang tao para lang maka move on tayo. Halimbawa ngang naibsan ang iyong sakit dahil sa bagong taong dumating, pero nasaktan ka ng di sinasadya ng taong ito... muli lamang babalik lahat ng sakit dahil ang taong inaasahan mong hindi mananakit sayo ang siyang gumawa nito muli!
Panandalian nating isara ang mga puso para sa iba, alamin at matuto sa mga naging karanasan natin sa nakaraan... at pag handa na tayong mag mahal muli, buksan muli ang puso at wag matakot mag mahal muli.
TAKE ACTION
While someone breaks your heart, YOU need to fix it. Wag mong iaasa sa iba ang pag kabigo ng iyong puso. Hindi naman tubero ang ibang taong maaaring magmahal sayo para ayusin yang puso mo... mag alay ng pusong buo sa taong muling magmamahal sayo. Sa pagkakataong magmamahal muli, maging maingat pero wag pipigilan ang sarili na mahalin ang taong ito.
Totoong nakakatakot masaktan muli, at nakakatakot din harapin ang mga pedeng mangyari, pero HINDI nakakatakot magmahal muli... Masaya ang magmahal. Walang anumang emosyon o kalagayan ang siyang hihigit sa pagmamahal. Hindi tapang ang kailangan para mag mahal muli kundi ang pusong buong handang ibigay ang minsang nasayang, isang pusong magmamahal ng buo! Hindi iyong natatakot at dadaanin na lang sa tapang ang pagmamahal.
Sabi ng iba, kumbaga sa elevator e pagsiksikan na wag na nating ipagsiksikan pa ang sarili.. may hagdan naman daw na pwedeng gamitin... ngunit hindi mo ba naisip na ang elevator ay kusang babalik at magkakaroon ka ng pagkakataon upang makasakay muli. Ganun din sa pag-ibig... may pagkakataong magmahal muli.
STOP
LET GO
TAKE ACTION...
Tuesday, July 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tama kuya. :)
ReplyDelete"Panandalian nating isara ang mga puso para sa iba, alamin at matuto sa mga naging karanasan natin sa nakaraan... at pag handa na tayong mag mahal muli, buksan muli ang puso at wag matakot mag mahal muli." WAG MATAKOT :)) haha
Bakit ang husay mo sa mga bagay na ganito? i learned from you kuya. sobraaa. :) Salamat sayo.
salamat rachel.. just follow me sa blog ko.. pede mo din akong itext if you want to.. :P haha! hindi ako mahusay sa mga aspektong ganito, binubuksan ko lang ang aking mga mata sa tunay na nangyayare sa kapaligiran... :P ingat ka rachel salamat po sa pagbabasa!
ReplyDeletemay pinaghugutan :)
ReplyDeletepoints to follow: mahal ka nung taong iyon...at wag na wag gagamit ng rebound dahil masama un..hindi nagtanga tangahan iyong mahal mo dahil hindi iyon tanga. ayts
alam ko namang hindi tanga ang taong iyon... nagpapatunay lamang na parte ng buhay ang mga pinagdadaanan.. :)
ReplyDeletemas masakit pa din kapag one way kang nagmamahal, mas mahirap yun kasi you don't know when to stop and to let go kas inga bulag ka sa kanya. but when the time is right do the traffic light, cause this will make you whole again after what crush that happened to you for not being cautious.......... share lng...
ReplyDeletegeeeeeeeeeeeeeeeeeez. i can relate. thank you MC. it was very helpful. :> Lets talk soon! :) see you! -carz!
ReplyDelete