Sunday, July 18, 2010

Upang Maramdaman Mo ang Pag-ibig ko

Kapag ang ulan ay pumapatak sa iyong katawan
Kung pasan pasan mo ang buong mundo
Halina't tayo ay magyakapan
Upang maramdaman mo ang pag-ibig ko

Kapag bumabalot na ang kadiliman at sa paglabas ng mga bituin
At walang handang dumamay upang punasan ang luha mo
Hahawakan kita, daan taon mang ang abutin
Upang maramdaman mo ang pag-ibig ko

Alam kong hindi ka pa handa
Asahan mong hindi kita bibiguin
Alam kong ikaw na nung una pa lang kitang makita
Walang pagdududa, ako'y iyong marapatin

Nais kong ikaw ay paligayahin at ang mga pangarap ay ating tupadin
Walang bagay na hindi ko gagawin para sayo
Suungin ang hangganan ng mundo, pinakamalalim na dagat languyin
Upang maramdamam mo ang pag-ibig ko

~~TLW

No comments:

Post a Comment