Wala akong pinagaalayan ng pag-ibig, hindi na ako karapat dapat mahalin at wala pa sa panahon ko ang magmahal... matagal tagal na din mula ng iniwan ako ng konseptong "pag-ibig". Ampalaya? Na traffic at di maka move on? Bato kaya di na makadama (sana nga, kaso may sakit pa din e)? May mighty bond at di maka let go???? :((
Hindi na matapos tapos itong sakit na dinadala ng aking puso... sabi nga ng iba masyado daw akong bitter. Hinaharap ko ng mag-isa itong sakit, may mga malalapit man saking mga babae, pinagbabantaan ko na silang wag na wag ma iinlove sa isang katulad ko dahil hindi ako karapat dapat. Walang nararapat sakin kundi ang sarili ko lamang. Mag-isa. Walang kasama.
BAWAL MAINLOVE sa katulad ko dahil matagal na akong pinagiwanan ng konseptong ito. Pede mo akong hangaan pero wag na wag kang mahuhulog dahil tiyak na lalagapak ka lang... kung dadating man ang araw na pagsisisihan ko ang mga salitang sinabi ko, at least ligtas ka at di ka nasaktan ng katulad ko..
HIRAP NA HIRAP MAG MOVE! AKO BA TO???
Life is too short... but pain stays too long. Tears now crawling my cheeks...
Minsan kailangan kong makita ang mga maliliit na bagay, magsimula mag-isa, gawin ang mga bagay na dati naming ginagawa, makita ang kasimplehan ng buhay ng walang siya at subukang iappreciate ang mga bagay bagay.. madrama, oo. dapat daw hindi na ako bitter sa buhay ko, pero paano magsisimula kung minsan sa panahon ko e sya ang tinuring kong buhay ko? Wala ng nagbibigay kulay sa buhay ko... wala ng nagpapatamis ng mga ngiti ko... at wala ng dahilan para matuto akong umibig muli (sana meron)...
Ang pagiging mag-isa ko ay dulot ng mga choices ko noon sa aking buhay. Pero kahit papano, natututunan ko ng tumingin sa ngayon at bukas.. kalimutan ang sakit ng kahapon... Mag-isa!
Nagtatanong ako kung bakit hindi ko makita ang magpupuno ng ligaya, kapiling sa tuwing nag-iisa, sa tuwing lungkot ay nagbabanta... Kasi ako ay mag-isa. May kasama man pero may harang padin...
Dapat kong malaman na hindi lang sa kanya umiikot ang aking mundo, at hindi lang sa akin iikot ang mundo nya at hindi lang sya sakin sasaya...(masaya na nga sya kasama ang ex bestfriend ko, hindi daw sila nagdadate, nagkikita lang, kumakain at gumagawa ng ano mang trip nila. hindi naman sila pero nagkikita sila, in short masaya sya sa mga kaibigan nya..) . May kanya kanya pa rin kaming pagkakakilanlan at dapat kadikit ko padin ang pagkakakilanlan na yun... pero ang sakit. Para bang walang MC kung walang _ _ _. Pero si _ _ _ pedeng mag exist kahit na walang MC. Dapat intact sa sarili para may matitira pa sa sarili ko kapag nasaktan ako, mali pala na binigay ko lahat. Hindi lang dahil nasasaktan ako kundi dahil mag-isa ako, ako ay ako. Pero hindi ako intact...
Di ko na iniisip na ako pa ay magmamahal at mamahalin
Di ko na iniisip na ako pa ay kayang sagipin
Wala ng dadating na pag-ibig na tunay
Kailan ma'y di na mapapawi ang lumbay
Wala ng makakapiling sa buhay
Di ko na iniisip na ako pa ay kayang sagipin
Wala ng dadating na pag-ibig na tunay
Kailan ma'y di na mapapawi ang lumbay
Wala ng makakapiling sa buhay
~~~TLW
wag kang umiyak. sayang ang luha. gusto kitang makita, gusto kitang makilala. tila puno ang iyong baso marapating aking bawasan at dagdagan ng sapat na dami, kailangan ubusin ang laman ng basong naguumapaw sa puno upang maintindihan ang tamang sukat ng maaring ilagay.
ReplyDeleteara bang walang MC kung walang _ _ _. Pero si _ _ _ pedeng mag exist kahit na walang MC. Dapat intact sa sarili para may matitira pa sa sarili ko kapag nasaktan ako, mali pala na binigay ko lahat.
ReplyDelete-One more chance haha
"BINIGAY KO DIN LAHAT CHRIS"
salamat sa lahat. :) ahaha hindi yan one more chance.. kahawig lang iyong linya.. :P akin yan. SALAMAT SA LAHAT. Pareho tayo, buti na lang okay ka na, ako hindi pa. :P hahah ^_^
ReplyDeletemagiging okay ka din and who knows?! haha tama who knows! hahaha
ReplyDeleteSana nga maging ok ka na. Maging ok na kayo. Ng matapos na lahat ng ito... all the best : )
ReplyDeleteSana nga aging ok ka na. Maging ok na kayo.. para matapos na lahat ng ito. All the best : )
ReplyDeletenakakatuwa naman to'ng entry mo :)
ReplyDeletewag mong madaliin yung sarili mo, acceptance is the key... collect yourself, try to be self centered muna! isipin mo nalang pag naglalaro ng RPG - kelangan mamatay para ma reborn! yeah! same old you with added experience and weapon!