Tuesday, July 6, 2010

Traffic Light ( A Reaction )

It is said that there are three colors of a traffic light to tell us and to let us know when to stop, when to let go and when to take action...

STOP

Tama na ang pag mamahal sa isang tao ng lubos ay hindi nangangahulugan na siya na ang para sa atin. Minsan na din akong nagmahal ng lubos at ipinalangin ko na sana ay siya na hanggang sa katapusan ng mundo... Walang konsepto ng happy ending akong naiisip dahil hindi ko kailanman inisip na titigil ang aming pagmamahalan. Walang ending.

Hindi tama na isipin natin na ang pagmamahal ng sobra ang nagdudulot ng sakit kundi ang mga masasamang pangyayari tulad ng pag ka taken for granted at pagtatarantado ng ating minamahal. Pagsasayang ng pagkakataong tayo ay nakakadama ng tunay na ligaya...

Totoong masakit isipin na may mga taong hindi kayang magpahalaga sa mga taong nagmamahal sa kanila... pero mas masakit na malaman na kaya naman nilang pahalagahan pero hindi nila ginagawa dahil hindi nila iniisip na pwede itong mawala at magsawa... dahil kampante sila na mananatili ang pagmamahal na to hanggang sa umabot na mapagod at magsawa na :(

Siguro nga kailangan nang tumigil sa panahong hindi na nakikita ang iyong halaga bilang umiibig sa taong mahal mo... nagsasama dahil nakasanayan na lang...

Habang patuloy mong minamahal ng sobra ang taong ayaw naman magpahalaga, patuloy na masasayang ang iyong pagmamahal at masasaktan ka lang... Ayaw mong tumigil dahil takot ka ding mawala ang taong mahal mo, wala ka ng pakialam kung tawagin ka mang bayaning papalit sa martyr na si Jose Rizal basta maipadama mo lamanag na ikaw ang nagmamahal... ikaw ang may ginagawa para sa inyong dalawa... pero wala..... di mo mawari kung tanga siya o nagtatanga tangahan...

Takot kang mawala siya, pero siya ba takot na mawala ka???

Ikaw na ang nagmamahal pero siya ba napapakitang mahal ka? :(


LETTING GO

Ang pag lelet go ay hindi naman pagsuko sa pagmamahal kundi pagtanggap na sadyang may mga bagay na kailanman ay di tatagal ng walang hanggan...

Gustuhin man nating ipaglaban, kung ang taong dapat kasama nating lumalaban ay wala na... wala na ding patutunguan ang ating pakikipag laban... Minsan inaakala natin na ang taong ito ang syang makakatuluyan natin, hindi natin nalalaman na itong tao na ito ang syang magiging dahilan ng pagluha natin.

Kailangan matutong mag let go para makawala sa sakit ng nakaraan... pag daanan ng mag-isa ang sakit at hindi gagamit ng rebound.

Masakit ba ang magmahal? Hindi.
Masakit bang pakawalan ang taong minamahal? OO.

Kung minsan ka nang nagpaalam, dapat matuto ka na ng manindigan. Pero sa likod ng paalam ay ang pag-asang minsan ay babalik ang taong nagpaalam sayo... hindi para kumalimot ng agad agad. Ngunit minsan ay kailangang tanggapin na hindi lahat ay bumabalik, ang iba ay tuluyan ng lumilisan at kailanman ay hindi na malilikom pa ang mga nasayang na pagmamahalan at saya...
Hindi mo man gusto ngunit ito ay kailangan mo... pagtanggap.

May mga taong dadating upang muling patamisin ang mapait nating buhay ngunit tandaan na dapat nating kayanin mag-isa sapagkat mahirap mang gamit ng ibang tao para lang maka move on tayo. Halimbawa ngang naibsan ang iyong sakit dahil sa bagong taong dumating, pero nasaktan ka ng di sinasadya ng taong ito... muli lamang babalik lahat ng sakit dahil ang taong inaasahan mong hindi mananakit sayo ang siyang gumawa nito muli!

Panandalian nating isara ang mga puso para sa iba, alamin at matuto sa mga naging karanasan natin sa nakaraan... at pag handa na tayong mag mahal muli, buksan muli ang puso at wag matakot mag mahal muli.


TAKE ACTION

While someone breaks your heart, YOU need to fix it. Wag mong iaasa sa iba ang pag kabigo ng iyong puso. Hindi naman tubero ang ibang taong maaaring magmahal sayo para ayusin yang puso mo... mag alay ng pusong buo sa taong muling magmamahal sayo. Sa pagkakataong magmamahal muli, maging maingat pero wag pipigilan ang sarili na mahalin ang taong ito.

Totoong nakakatakot masaktan muli, at nakakatakot din harapin ang mga pedeng mangyari, pero HINDI nakakatakot magmahal muli... Masaya ang magmahal. Walang anumang emosyon o kalagayan ang siyang hihigit sa pagmamahal. Hindi tapang ang kailangan para mag mahal muli kundi ang pusong buong handang ibigay ang minsang nasayang, isang pusong magmamahal ng buo! Hindi iyong natatakot at dadaanin na lang sa tapang ang pagmamahal.

Sabi ng iba, kumbaga sa elevator e pagsiksikan na wag na nating ipagsiksikan pa ang sarili.. may hagdan naman daw na pwedeng gamitin... ngunit hindi mo ba naisip na ang elevator ay kusang babalik at magkakaroon ka ng pagkakataon upang makasakay muli. Ganun din sa pag-ibig... may pagkakataong magmahal muli.

STOP
LET GO
TAKE ACTION...

Sa Sarili Lamang


Wala akong pinagaalayan ng pag-ibig, hindi na ako karapat dapat mahalin at wala pa sa panahon ko ang magmahal... matagal tagal na din mula ng iniwan ako ng konseptong "pag-ibig". Ampalaya? Na traffic at di maka move on? Bato kaya di na makadama (sana nga, kaso may sakit pa din e)? May mighty bond at di maka let go???? :((

Hindi na matapos tapos itong sakit na dinadala ng aking puso... sabi nga ng iba masyado daw akong bitter. Hinaharap ko ng mag-isa itong sakit, may mga malalapit man saking mga babae, pinagbabantaan ko na silang wag na wag ma iinlove sa isang katulad ko dahil hindi ako karapat dapat. Walang nararapat sakin kundi ang sarili ko lamang. Mag-isa. Walang kasama.

BAWAL MAINLOVE sa katulad ko dahil matagal na akong pinagiwanan ng konseptong ito. Pede mo akong hangaan pero wag na wag kang mahuhulog dahil tiyak na lalagapak ka lang... kung dadating man ang araw na pagsisisihan ko ang mga salitang sinabi ko, at least ligtas ka at di ka nasaktan ng katulad ko..

HIRAP NA HIRAP MAG MOVE! AKO BA TO???

Life is too short... but pain stays too long. Tears now crawling my cheeks...

Minsan kailangan kong makita ang mga maliliit na bagay, magsimula mag-isa, gawin ang mga bagay na dati naming ginagawa, makita ang kasimplehan ng buhay ng walang siya at subukang iappreciate ang mga bagay bagay.. madrama, oo. dapat daw hindi na ako bitter sa buhay ko, pero paano magsisimula kung minsan sa panahon ko e sya ang tinuring kong buhay ko? Wala ng nagbibigay kulay sa buhay ko... wala ng nagpapatamis ng mga ngiti ko... at wala ng dahilan para matuto akong umibig muli (sana meron)...

Ang pagiging mag-isa ko ay dulot ng mga choices ko noon sa aking buhay. Pero kahit papano, natututunan ko ng tumingin sa ngayon at bukas.. kalimutan ang sakit ng kahapon... Mag-isa!

Nagtatanong ako kung bakit hindi ko makita ang magpupuno ng ligaya, kapiling sa tuwing nag-iisa, sa tuwing lungkot ay nagbabanta... Kasi ako ay mag-isa. May kasama man pero may harang padin...

Dapat kong malaman na hindi lang sa kanya umiikot ang aking mundo, at hindi lang sa akin iikot ang mundo nya at hindi lang sya sakin sasaya...(masaya na nga sya kasama ang ex bestfriend ko, hindi daw sila nagdadate, nagkikita lang, kumakain at gumagawa ng ano mang trip nila. hindi naman sila pero nagkikita sila, in short masaya sya sa mga kaibigan nya..) . May kanya kanya pa rin kaming pagkakakilanlan at dapat kadikit ko padin ang pagkakakilanlan na yun... pero ang sakit. Para bang walang MC kung walang _ _ _. Pero si _ _ _ pedeng mag exist kahit na walang MC. Dapat intact sa sarili para may matitira pa sa sarili ko kapag nasaktan ako, mali pala na binigay ko lahat. Hindi lang dahil nasasaktan ako kundi dahil mag-isa ako, ako ay ako. Pero hindi ako intact...

Di ko na iniisip na ako pa ay magmamahal at mamahalin
Di ko na iniisip na ako pa ay kayang sagipin
Wala ng dadating na pag-ibig na tunay
Kailan ma'y di na mapapawi ang lumbay
Wala ng makakapiling sa buhay

~~~TLW

Sunday, June 27, 2010

Mahirap Maging Mahirap (Part II) - Education? A right or a Priviledge?

Nakaupo ako ngayon sa harap ng computer dito sa San Marcelino, Manila.
Gumagawa ako ng Lesson Plan at magpapaprint ng visual aids na gagamitin ko sa pagtuturo bukas sa lima kong klase, maya maya lang ay mamimili ako ng ilang mga kagamitang makakatulong sa akin para sa pagtalakay sa klase.

Nag-oojt na kasi ako ngayon sa Makati High School. Kahit papano ay ramdam ko na ang sarap ng pagiging isang guro... masaya, masakit sa ulo pero talagang nakakataba ng puso lalo na kapag nakikita mo ang mga estudyante mong natututo sa mga talakayan. Masarap ding malaman na kadalasan ay hindi ikaw ang nagtuturo sa mga bata, bagkos sila ang nagtututo sayo ng mga bagay na inaakala mong alam mo na. Ipinapakita ng mga batang ito ang tunay na reyalidad ng buhay.

Mahirap maging mahirap talaga... sabi nga ng isang estudyante, "buti pa ang pera may tao, ang tao wala namang pera"... Nakakatawang isipin pero totoo nga naman. Karamihan sa mga estudyante lalo na sa public school ay kapos sa pera at tipid na tipid pagpumapasok.

Meron akong nakapanayam na estudyante, repeater sya at medyo nahihiya na siyang pumasok kasi daw sya lang ang repeater sa klase. Tinanong ko kung ano ang dahilan kung bakit siya nagrepeat, "Family at financial problem", mabilis nyang isinagot sa akin. Dalawang beses na sya sa parehong taon at sa parehong dahilan din. Nakakalungkot lang isipin na ang pag nanais ng bata na makapag-aral ay nahahadlangan ng mismong pamilya at ng problema sa pera.

Noong nakaraang araw naman ay nagkaron ako ng meeting kasama ang mga miyembro ng isang organisasyon sa Sikolohiya. Nilalaman ng limang iba't ibang unibersidad ang nasabing pulong. Bilang batikang miyembro ng organisasyon, ako ang nanguna sa pagpupulong... madaming napagusapan, napag kwentuhan hanggang sa umabot sa pagsasabi ng tuition fee ng bawat university.

Iyong isa 2000+ per UNIT.
Ito namang isa 1600 per UNIT.
Iyong isa around 1500 per UNIT daw.
Iyong isa 1000+ per UNIT.
At itong isa, kung saan ako nanggaling 1500 per SEMESTER.

Kung merong 24 units kada sem ang nag-aaral doon sa ikatlong school ay makakapag paaral na sya ng 24 students sa eskwelahan kung saan ako nag-aaral. :) Ibang iba ang layo ng presyo ng matrikula sa mga pribadong paaralan at sa pampubliko.. at ang masama pa kahit mura na ang binabayad sa pampublikong paaralan ay dito padin makakatagpo ng madaming naghihikahos sa pera.

TARA TULONG TAYO!!

Sabi ng kaibigan ng tatay ko tatlong bagay lang daw para maging mayaman ka sa mundo...

Una, PINANGANAK kang mayaman. Madaming oppurtunities para sayo, may mga pamana at kung ano ano pa.

Ikalawa, MAKAPAGASAWA ng mayaman. Kaso matatanggap kaya ng isang mayamang pamilya ang isang lalaking katulad ko na ubod ng hirap at hikahos sa materyal na yaman sa mundo. Baka isipin pa ng taong mahal mo e pera lang ang habol sa kanya... whew!

Ikatlo, PAGSUSUMIKAP. Ito na lamang siguro ang malinaw linaw na pwede kong magawa. Nais kong pag aralin ang magiging anak ko sa nais nyang paaralan kahit magkano pa ang bayad dito. Makakaraos din sa hirap. Tiwala lang sa sarili.

And edukasyon ay nananatiling karapatan ng isang tao kaya bilang mga nakakaalam nito, magsumikap tayo na maghandog ng opurtunidad upang lahat ay magkaroon ng pagkakataon upang maka pag-aral.



Nais kong pasalamatan lahat ng nagpapautang sa akin... kilala nyo na kung sino kayo. Makakabayad din ako. :)

Saturday, June 26, 2010

Age Doesn't Matter

I saw pictures of my long lost friend back in my third year high school. I noticed that this friend is with some adult person. The shine in my friend's eyes is telling me that my friend is really in love with this person.

This only proves that age doesn't matter when it comes to love or being in a relationship. We really have our own choice and sometimes, we go along the way with the track of our destiny.

I never had a relationship with a girl who is younger than me... all them is older than me.

I expected them to be more mature than I am in handling our relationships, but my expectations do nothing except to hurt me. :) They are mature, yes they are but not in all things. Same goes for me, I know I intend to be very childish at some stuff but I know my limitations.

We all tend to become a child when we got hurt and cry. I am like a child now, amazed with every love story of other people I know because I was hurt with my own.

People may come to think that age defines MATURITY, but I tell you, it is LEARNING from our experiences that is actually makes our maturity reach the top. UNDERSTANDING can't be based from age, it is based from the openness of the mind. TRUST doesn't develop as age grows older, in fact it is developed from the time we were born up to at a certain level in our babyhood (Trust vs. MisTrust) :) HOPE is not gone when people are old, until the end of our very own breath, we are hoping that we are able to leave a legacy for the next generation. FAITH is develop through out the years, some may have it at a very young age and lost it as that person grew up, some may gain faith at a very "late" age, well nothing is late when it comes to having one's faith.

LOVE is available to everyone who believes in it. If you don't believe in it (hmm.. like me??) LOVE is still there no matter how young or old are you. ♥ Spread LOVE. ♥


Monday, June 21, 2010

Handog Ka ng Panginoon

Sa lahat ng panahong naramdaman kong ako'y napaglaruan, ako'y nagreklamo
Ang hilig ko sa pagrereklamo ay alam mo
Sa lahat ng pagkakamaling paulit ulit kong ginagawa, kahit na ako dapat ang sisihin
Ay tinututo ko pa rin sa bawat patak ng ulan

Hindi ko man ipinalangin, walang senyales
At sa gitna ng kalungkutan

Inihandog ka ng Panginoon upang ipakita ang Katotohanan
May higit pa sa buhay bukod sa aking nadarama
Lahat ng aking tumbas ay nasa harap ko lamang
At kung bakit ako nabuhay, noon ay di ko alam
Ngaun alam ko na, dahil inihandog ka ng Panginoon

Sa mga panahong suot ko ang awa sa aking sarili
Binabalot ng sakit
Sa lahat ng basongh nakita ko, laging kalahating puno
Ngayo'y umaapaw na tila isang ilog na nagpapalaya ng aking kaluluwa
Sa lahat ng pag-aalinlangan ko sa buhay, ako'y lumaya na

Ako'y lubusang naniniwala

Inihandog ka ng Panginoon upang ipakita ang katotohan
May higit pa sa buhay bukod sa mga sakit sa pagkawasak ng tahanan
Lahat ng aking silbi'y ngayon alam ko na
Kung bakit ako nabuhay dahil pinili ako ng buhay
Ngayon alam ko na, inihandoh ka ng Panginoon

Sa iyong piling ako ay bago
Sa bawat haplos ako'y ganado
Kailangan kong aminin
Ako'y pinagpapala rin

Inihandog ka ng Panginoon!