Monday, April 26, 2010

DOTA is LIKE LOVE


Friday, April 23, 2010

Kim Bum o Jake Cuenca



kaCLAN ko tong si Ian, feel na feel nyang kamukha nya si Kim Bum at Jake Cuenca... kayo na bahalang humusga!

PS: Pwedeng magmura!! :))

Tala

Bitwin at Tala, ano ang pinag kaiba?

Mga kaututang dila, ito ang lathalain kong nagsasabing naka"move-on" na ako sa aking pagkabigo... :)

Isang buwan mahigit na gabi akong iyak ng iyak, mahigit isang daang litro ng luha ang naubos ko. Ngayon naisip ko, tama na. Panahon na para bumawi naman ako sa sarili ko. Naging mahirap para sa akin ang bumitaw sa pangalawang ulit, ningas kugon nga daw ako sabi ng nakalipas ko. Ningas kugon, sa una lang magaling pag dating sa huli wala na ang alab ng apoy. Pero teka, pano ang magniningas kung hindi naman ako naapuyan. :)

Well anyway, sana ay maging masaya na ang lahat dahil ako siguro na ako na magiging masaya din ako sa mga darating na araw. May susundan akong universal rule. Haha kabaliwan ng mga tao, lahat e dapat may sukat. Tatlong buwan daw. Sige na tatlong buwan na.

Ayun na nga, naka"move on" na ako, kaya ginawa ko tong lathalain na ito bilang unang liham pag-ibig na inaalay ko sa kahit kaninong may gusto, syempre sikreto ko na kung kanino talaga to.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Sa Binibining Bumihag sa Aking Puso,

Ang isip ko'y walang ibang laman kung hindi ikaw, mula ng ika'y makilala ay may kakaibang pakiramdam na akong nadama. Kapag lalo kong hindi pinansin ang aking nadarama para sayo ay malo akong naniniwala na kailangan kita upang mabuhay.

Hindi ko maaring hayaan na walang patunguhan itong aking damdaming nagmamahal at hindi ko hahayaang mawala ka na lamang ng tuluyan pero alam ko na sobrang nahihiya itong binata at natatakot akong baka makabanggit ng mga katagang baka di mo magustuhan at ako'y agad mong lisan. Takot ako na maglaho ang pag-ibig bago pa man malaman na ito'y maging totoo.
Para akong batang muli, nauutal at walang masabi. Panu bibigyan ng katawagan ang magkahalong paghanga't pananabik na masilayan ang iyong mukhang biyaya ng diyos. Mababaliw na nga ata talaga ako kung hindi maipapanalo ang iyong puso.
May mga lalaking nagsabi na sayo na ikaw ay kanilang bitwin na hinahangaan pag dating ng dilim, ngunit ako na hamak na binata lamang, ay itinuturing kang tala. Tala na gagabay sa aking buhay. Hindi titigil magmahal ang puso kong uhaw. Minsan na akong nahapo, ngunit nanatili ka sa paglalakbay ko. Sa liwanag kita'y nahagkan, hanggang sa dilim ako'y iyong samahal. Mahal na mahal kita. :)
Umiibig,
Manlalakbay para sa iyong Puso

Tuesday, April 20, 2010

Mahal kita o Iniirog kita (Iniibig kita)

"I love you", sabi ng isang kaibigan.



" I love you too!", sagot naman ng kaibigan ng kaibigan ko.



Paulit ulit ko na lang naririnig yang i love youhan na yan ng mga magkakaibigan. Masarap malaman na may nagmamahal pero mas masarap sana kung totoo iyong nilalaman ng sinasabi. Madalas kasi e parang timang lang, daming i love you e wala namang laman.

Ako ay minsan lamang mag sabi ng "i love you"... (gaano kadalas ang minsan?) hehe

Mga kapatid, mas masarap pakinggan ang salitang "mahal kita" kesa sa "i love you" lalo na kung galing talaga sa puso. Well sinulat ko talaga tong blogpost kong to para punain yung mga ikay, emo, gangster, lover boy, matalinong nerd, bobong nerd at lahat ng taong marunong magmahal. Pakiusap, alamin ang tamang pag gamit ng salitang mahal.

Alam nyo ba na madaming kategorya ang wika sa pagsasabi ng salitang "mahal". Pwede itong gamitin pagnagmumura ka na dahil sa mahal ng bilihin. Pwede ding gamitin pag mataas na value mo sa ffs (isang app ng fb), pag nangangarap ka, at pag naglalaway ka na. Ang salitang ito ay nagpapahiwatig din ng nagaalab na damdamin para sa isang taong sobrang halaga sayo.

Pero ako, bukod sa pagsabi ng "mahal" sa mga bilihin, sinasabi ko din ang salitang ito kapag gusto kong iparamdam sa taong mahalaga sa akin na ayaw ko siyang mawala at siya ang nagbibigay ng kulay sa aking buhay. *cheesy*

Pero, puro na lang pero, alam nyo ba na mayron ding ibang mas mabigat na salita kesa sa salitang "mahal". Ang mahal kasi ay pwede mong sabihin kahit na kaninong taong mahal mo pero hindi sa taong kumukumpleto ng buhay mo, asawa, nobya, nobyo, pantasya o kahit sino pang dahilan mo kung bakit ka nabubuhay. Ang salitang tinutukoy ko ay ang salitang "irog".

Basahin mo maige, "iniirog kita", cheesy masyado noh? Pero basahin mo maige ulit... "iniirog kita"... laban sa "mahal kita"... ewan ko kung opinyon ko lang to, pero talagang mas may dating ang iniirrog kita.

May mga taong punyeta, inaayawan pag sinasabihan sila ng iniirog sila. Di ko malaman kung bakit, kasi ano? korny? makeso? O kahit ano pang dahilan yan, mas malaman padin yan kesa sa mga pa ilove you i love you ng mga kikay friends dyan. :)

Kamusta ang pakiramdam na ikaw ang buhay ko?

Anong mararamdaman mo kung mahal mo ako at sasabihin ko sayong iniirog kita? hahah! *kilig*

O sya sya, sabog na utak ko. At pagod na ako. Next time na ulit. Bye!

Saturday, April 17, 2010

Valedictory Address PCWHS 2007

Graduation is the end for some but for me it is a new beginning for a more challenging life. Seeing you from up here wearing your toga makes me smile. It makes me realize how fast time goes by. I can't imagine that it has been already four years since I made my very first step in Pasay City West High School. And today, we have fulfilled our long time dream that one day, each one of us, graduates, will receive our diploma which I believe is not only our dream but our parents' dream for all of us.

I feel very excited today but a little scared as I deliver this much coveted address. Excited because I know that this is not the end but also a start of something new in my life. I'm a little scared because I don't know if I can really face the new challenges that will come my way but I know with all the knowledge I learned and all the values and virtues that my family, my teachers, my fellow students and special friend imparted in me, I will be able to make all my dreams come true.

My four years in high school is not that easy. Like all of you, I experienced hardships and trials that I almost give up, like sleepless nights, coming to school early, cramming to submit projects and requirements on time. Those bundles of work given by our teachers were truly a challenge for all of us. In fact, many times we were caught unaware by our teachers not ready with our assignments, projects and other requirements. But through the motivation of my family and friends and those people special to me. I was able to get through those trials.

Yet, high school is not just about books, notebooks and blackboards. It's about life --- our first true peers, our first loves and our first heart breaks. It is true that high school is the happiest moment in the life of every teenager. It is where many experiences are being shared especially the laughter and the tears. I cannot but bear in my mind that high school is a molding institution of the youth.

Here I am today, picking the fruit of my hard labor. However, what I am able to accomplish is not a one man work. Without them --- my inspiration and those people who believed and guided me, I wouldn't be here in front of you. At this point, I would like to take the opportunity to extend my gratitude to my parents. Mama and Papa, you've always been my reason to strive. I may not have been the perfect son, yet for you I am and will always be. I always remember when my mom asked me, that if I would be given a chance to choose another parent who and why. Now I want you to know that my answer is... still you Ma and Pa. In spite of the misunderstandings and all the troubles I caused you, you've always been there for me, loving me unconditionally. Your love and care have made me stronger to fight trials and for that I can say, this honor belongs to you.


To our unsung heroes, our dear teachers. I know that the job you have performed is not only a profession but more of a vocation. On behalf of my fellow students, I am heartily expressing our gratitude to our mentors for making us what we are today. Dear teachers, thank you for empowering us with the knowledge and skills we need in facing lives' many challenges. Thank you for developing in us the values that make us better persons. And thank you for patiently bearing the pains we have caused you for years. We will never forget you, you will be forever in our hearts. We will always pray that the good Lord will continue to bless you with good health for you to be able to empower more young people like us with the things needed in life's tests.

I bet each one of you fellow graduates has your own special teacher who served as your second parent. In my four years in high school there, there were teachers that taught me more than just what is written in the textbooks. There was this very special teacher who ignited my feelings and desire to be on top. She once said and I quote, "Gusto kong marinig sayo ang valedictory address." Your words greatly challenge me and here I am Ma'am Aslarona, I have lived up to your words. I would also like to extend my never-ending thanks to Ma'am Atienza, Sir Cannon, Ma'am Lara, Ma'am Sipalay, Sir Del Rosario, Sir Sandajan, Sir Ention, Ma'am Abella and all the other teachers from 1st-4th year who have made me for what I am now, especially to Ma'am Monzon and Mr. Quizon who developed my skills in Mathematics, Mr. Manaog and Ma'am Andalencio who helped me excel in science. Mr. De Vera and Mr. Macaspag who served as my second Dad. And most especially to my adviser for two years, Mrs. Gloria Castillo who, in her own ways contributed to my success and excellence. Thank you our loving principal, Dr. Myrna M. Sarmiento, for your continous support to us students. Now, I am fully convinced that teachers are not ordinary people in the society, they are the molders and architects of tomorrow's leaders!

I would also like to give thanks to my former classmates especially to Mary Jane Castro. Mary Jane even though you're not with us today ( she died from an accident ), I know that the memories and the lessons you have shared with us will always be in our hearts. I want to thank you for the important lesson you have thought us. You helped us realize that there's nothing permanent in this world. That anything could be happen in just a blink of an eye. And we also learned that everything happens for a reason in God's will, what is hard is knowing that reason... And thank you for those people who believed and stayed by my side in hard times and moments of criticism: Marvin Protacio(geek), Suzanne Elesterio(pards), Agnes TalaƱa(VP, SSG-true friend), Rogelio Docena(geek - my bestfriend), Stephanie Faisan, Precious Mae Berdiago, Lorainne Poniente and to Ms. Renalyn G. Brown, my success is nothing if not shared with you. And for those people whom I've thought to be on my side, thank you for letting me realize that I can't please everybody. In that way, you made me stronger-- I have gained the strength to pursue and fight for my dreams. Honestly, you served as my inspiration to strive harder. Lastly, I gratefully thank the Lord for providing me peace of mind in times of confusion, for giving me the best gift I've ever had -- my life.

Everything must come to an end but every end is just a start of a new beginning. If you fall and lose something, don't quit! Instead bounce back higer carrying the lessons you've learned. Always remember that the winner never quits and the quitter never wins.

Farewell to you my alma mater. We will never forget the life experiences you have given us. We will always treasure them as we unravel the path for excellence and as we are empowered by you for greater productivity.

Thank you!

Once again PCWHS batch 2006-2007 CONGRATULATIONS!!


MABUHAY TAYONG LAHAT!!!

Friday, April 16, 2010

BALIW ALIW

Sa paglipas ng panahon
Sa paghihirap ako'y makakaahon
Maghihilom ang sugat sa puso
Sanhi ng pagiging sinto sinto

Tanging kilala ko'y ako
Walang iba at may sariling mundo
Luhang gumagawa ng kalawang
Iyak tawa ng isang buang

Titingin sa kanan at magsasalita
Tatalikod at tatawa
Tatayo at tatakbo
Uupo at malilito

Hindi titigil ang aking puso
Umibig kahit na ako'y bigo
Hindi nila ako maiintindihan
Dahil wala naman silang alam

Ako at ang aking masayang mundo
Ang patunay na mas maige pa ang sinto sinto
Kaysa naman nakikita mo ang mga tao
Walang ginawa kundi mang gago

May isa pang dapat malaman
Hindi pagtawa ang pinakamainam na kagamutan
Dahil kahit buong araw na akong natawa
Hindi padin gumagaling ang ulo kong sira

Deposit Withdraw

Masarap talaga magdeposit withdraw. Ipasok. Ilabas!
Unti unti mong iipunin ang iyong lakas, pupunta sa lugar kung saan mo pwedeng ideposit ito. Dahan dahang papasok, kakapkapin ang bawat sulok ng katawan at papasok na para mag deposit ng dapat ideposit.
Masarap pag nakakapagdeposit ka ng sa iyo at pag panahon ng huhugutin mo na ito, medyo nakakapanghinayang pero talagang masarap. Mapapa "uhhh yeahhh" ka talaga!
Sarap talaga pero madalas may sakit din na kasama kagaya na lamang ng kaibigan ko nung isang araw, kakawithdraw lang ng pera para may pang gasta ngunit mabilis siyang tinutukan ng isang mama at gustong makuha ang dineposit na pinagpaguran na dugo't pawis ang ibunuhos sa loob ng isang buwan.
Tarantadong mama na yan, ang lakilaki ng katawan at bayag e nananatili paring kawatan at ayaw man lang humanap ng matinong mapagkakakitaan. O sige na, tanggapin na natin na mahirap humanap ng trabaho, pero meron, mahirap lang. Kung iyong lakas nya ay ginagamit nya sa tama e di sana madaming hindi na peperwisyo.
Walang tigil sa pag-iyak ang kaibigan ko. Para siyang nadevirginize ng hindi naman nya ginugusto. Isang buwan nyang pinaghirapan mapupunta lang sa mga "rapist" na walang ginawa kundi magpalaki ng kanilang mga itlog. Kung legal lang sanang pumatay papatayin ko yang mga yan, pero kung legal nga ang pagpatay, buhay pa kaya ako ngaun? :)
Sobrang bait ng diyos kaya wala siyang magawa para tigbakin yang mga kawatan na yan. Habang may buhay, may pag-asa para magbago. Habay buhay naman yang mga yan madami din ang mamamatay. Kung sino ang mababait sabi nga nila, iyon pa ang unang mamamatay, para makasama sa ikalawang buhay. Iyong mga msasamang damo naman ang matatagal mamatay, binibigyan ng pag-asang magbago.
Sinasabi ko ng malumanay sa inyo na hindi magbabago yang mga yan kung protektado sila ng mga dapat na nagpapabago sa kanila. Punyetang sistema, nakakasawa na. Sabihin nyo na puro ako reklamo wala naman din akong magawa. Siguro nga wala, pero sana may makabasa sa inyo ng lathalain kong ito at sana may magawa kayo.
Ako gagawa. Ikaw?
Ako magbabago para sa makakabuti! Ikaw?
Wala kang magawa? Gusto mo gawa tayo?
Sige.
Magdedeposit muna ako ng masarapan naman. Masarap magbaon este magipon ngayong panahon ng tag-init.
^_^

Tuesday, April 13, 2010

Libreng Wi-Fi

Nakaupo ako ngaun dito sa may "talipapa", isang lugar sa loob ng Pamantasang Normal ng Pilipinas kung saan nakatambay ang mga estudyanteng pumapatay ng oras kasama ang mga pusang kumakain ng tira tira.

Dito sa talipapa ay sagap ang libreng Wi-fi ng eskwelahan. Isang state university pero may mga ganitong features din naman kahit papano. Ang wi-fi na ito ay talagang malakas. Ang katabi kong sina Liezel at Ariane ay mga pawang naka wi-fi din. Dati kong kaklase ang dalawang ito, masaya na kasama ko silang ulit pagkatapos ng ilang panahon.

Ang talipapa na ito ay nagmimistulang comp shop dahil sa dami ng may laptop at nagtatatype dito. Libre internet e.

Facebook. Blogspot. Facebook. Blogspot.

Wala akong ibang ginawa dito kundi ang mag type at mag compute ng aming research. Katuwa. Kapagod. Libre ang wi-fi.

Sa facebook naman eh wala akong ginawa kundi tumingin ng mga bagong larawan ng mga kaibigan. Walang magawa. Libre wi-fi.

Wala kang mapupulot sa blogpost kong ito kundi para malaman na libre wi-fi sa aming pamantasan. Hindi ako magrereact sa kung anung issue. Basta libre lang ang wi-fi.

Babye!


paki Follow naman blog ko!

Sunday, April 11, 2010

Mahal Kita Kasi - Nicole Hiyala

Nahuhulog na ako sa’yo, naman kasi
Unggoy ka ba? Kasi
Sumasabit ka sa puso ko, naman kasi
Pustiso ka ba? Kasi
You know I can’t smile without you
Pagod na pagod na ako
Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko
Kasi naman kasi

Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga


Papupulis kita, kasi
Ninakaw mo ang puso ko, naman kasi
Kuto ka ba? Kasi
Palagi ka sa ulo ko
Naman kasi
Apoy ka ba? Kasi
Alab-alab I love you

Magsalbabida ka nga
Kasi baka malunod ka sa pag-ibig ko
Kasi naman kasi

Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Pare mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga

Kamukha mo si Papa P, Papa P (ding dong)
P Papa P, Papa P
P Papa P, Papa P (ding dong)

Exam ka ba, kasi
Sasagutin kita agad-agad, naman kasi
Drugs ka ba? Kakaadik ka naman kasi
Kulangot ka ba? You’re really hard to get
Posporo ka ba? E di posporo rin ako
Parang match
Kasi naman kasi
Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Pare madevelop kita

Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga

Pustiso ka nga, kasi
I really really can’t smile without you…

Wednesday, April 7, 2010

Habang May Buhay Inay

Bawat pagsubok na dadaan, katuwang natin ang ating kaibigan. Sa kalokohan, sa kagaguhan, sa pag-aaral (daw), sa pagtambay, sa pag kanta, sa pag sayaw, sa pag ibig at sa kung ano ano pa.

Madaming beses na din na ipinaglaban natin ang ating mga kaibigan laban sa ating ina. Madalas naman din kasing pinagbabawalan tayo ng nanay natin sumama sa mga gimik kasi baka daw kung anong mangyare satin. Pinag-iingat pero ang tingin natin ay hindi nagtitiwala ang ating nanay sa tin. Malaki na tayo??? Oo pero hindi sa lahat ng bagay.

Madaming beses na din na narindi na tayo sa mga pinagsasasabi ng nanay natin. Bungangerang ina ang laging nagsesermon satin. Almusal mo ay bunganga. Tanghalian mo ay putak. Hapunan mo ingay. Pag papalarin ka pa, may midnight snack pa! Paulit ulit tayong pinagsasabihan ng walang patid na mga bilin. Madalas nga itinatanong natin kung hindi ba napapagod ang nanay natin. Siguro alam mo na rin ang sagot.

Minsan nga dahil sa laging pagpalo at pagbubunganga natin e nasasabi natin na sana mamatay na siya. Lalo pag nakaramdam na tayo ng unang bugso ng pag-ibig. Madaming nanay ang hindi sang ayon sa pagmamahalan habang tayo'y nag-aaral. Mahirap daw at masakit. Pero sinasabi natin sa sarili natin na mahal na mahal natin tong taong to kahit na makaaway pa natin ang ating nanay. Wala tayong pake kung umuwi tayo ng gabi dahil sa pakikipagdate, at nag-aalala ang ating inay. Wala tayong pake. Wala. Wala. Basta tayo, magmamahal sa ating kasintahan. Illegal pa nga kung tawagin ng iba.

Isinasantabi natin ang mga payo ng ating nanay kasi masaya tayo. Masaya, hindi papansinin ang ina. Pero sa oras na wala na ang ating mga kaibigan... iniwan na ng kasintahan... Sino ba ang una nating tinatawag? Sino ba unang andyan para pagalitan tayo. Galit dulot ng pagmamahal!!!

Hindi na natin inisip na nung mga bata pa tayo, si nanay ang unang tumulong satin sa pag tayo at paglakad. Si nanay ang unang nagturo ng ating salita na ginagamit natin ngayon sa pakikipagligawan sa ating mga tinatawag na mahal sa buhay. Si nanay ang nagpapalit ng ating mga diaphers pag tayo ay dumumi. Si nanay din ang ating takbuhan pag inagaw ng kalaro natin ang paboritong laruan natin.

Si nanay ang laging natutuwa sa tuwing tayo ay may kinakamit na karangalan. Si nanay din naman ang unang tumatawa pag may nakakamit tayong katangahan. Tatawa sabay abot ng kamay, "Tayo anak, kayang kaya mo yan."

Si nanay ang ating sandigan sa tuwing tayo ay nangangailangan. Si nanay ang hingian natin ng baon na pinanglalakwatsa natin. Ika nga, dugo't pawis ang ibinuhos para kitain iyong pera na iyon at napupunta lang sa mga pangbubulakbol natin imbis na sa eskwelahan.

Si nanay ang naghele satin sa tuwing di tayo makatulog sa gabi. Noong bata pa tayo ay tuwang tuwa tayo sa tinig ng ating ina, noong tumanda na ay naririndi na... "Bakit ganon anak? Bakit?" =(

Si nanay ang walang sawang nagkwekwento ng mga istorya pag gusto natin ng pampatulog. Pero ngayong mga payo na ang isinasambit ni ina, takip tenga na tayo... "Bakit ganon anak? Bakit?

Si nanay. Walang ibang hihigit pa sa kalinga ng isang ina.

Uuwi ka, bigo sa pag-ibig, umiiyak... si nanay handang magpatawad at sasabihin lamang na pinagdadaanan talaga yan. Uuwi ka, pinapatawag sa school ang nanay mo, siya pa ang hihingi ng tawad sa mga kasalanan mo.

Nanay lang sapat na.

Mapalad ka kung may nanay ka pa sa oras na binabasa mo ito. Hindi pa huli ang lahat. Ako ngayon ay gumugunita sa pagkawala ng aking ina. Ikaw ngayon nagbabasa, baka may nanay ka pa, yakapin mo at sabihing mahal na mahal mo siya. Wag kang mahiya. Hindi naman dapat ikahiya iyon kahit na matanda ka na. Sige na. "Bakit ganon anak? Bakit?"

Nay, patawad.
Nay, maraming salamat.
Nay, mahal na mahal kita.
Nay, ang aking buhay ay sayo ibibigay.
Nay, habang may buhay.


Hindi magmamaliw ang apoy sa puso ko.
Habang may buhay sayo lang ibibigay.

Hanggat ang dugo ko'y dumadaloy,
sayo lamang iaalay ang aking buhay.


Habang buhay inay... habang buhay. ='(

Friday, April 2, 2010

Kilu-Kilo (Stranded)

Nasasaktan ang aking puso
Sa tuwing nakikita ka sa dilim
Nag-iisa at nag aantay sa akin
Upang bumalik

Takot ako

Kung dumarating na sa iyo
Kagaya ng pagdating sa akin
Kasing lakas ng hampas ng agwahe
Na kumaladkad sa akin palayo sa lupain

Gusto kitang makasama
Kung gusto mong makasama ako
Ako'y paparating na agwahe
At ayaw kong maging kilu-kilo

Ako ay maari lamang magtiis ng sapat
Ang mga luhang ito ay ginagawa akong kalawang
At alam kong nagaantay ka sa akin
Upang bumalik

Takot ako

Wala ng magaganap na malakas na alon
Hindi na babalik ang agwahe
Lahat na tayo ay tatalon
Dahil hindi na babalik ang agwahe

Spell ISIP

Naisip ng isip ko na ipaisip sa isip mo ang iniisip ng isip ko at kung hindi maisip ng isip mo ang iniisip ng isip ko, naisip ng isip ko na kulang ang pagiisip ng isip mo, at dahil kulang ang pagiisip ng isip mo hindi naisip ng isip mo na iniisip ka ng isip ko, kaya inisip ka ng isip ko para maisip ng isip mo na iniisp ka ng isip ko. Ganyan ang pagiisip ng isip ng isip ko.

Hindi ka ba napapagod??? Kanina ka pa tumatakbo sa isip ko e.
Wala na nga akong ibang maisip kundi ikaw.

Tara isip tayo.

Thursday, April 1, 2010

Mahal Kita kasi...

Walang rason kung bakit nagmamahal. Madalas nating naririnig na
Mahal mo ang taong mahal mo dahil MAHAL MO!

Sang ayon kaba?

Minsan kong inihalintulad ang tunay na pagmamahal sa isang buhay na puno. Patuloy na lalago kung hahayaan nating maging puno. Hindi bibigyan ng kahulugan na maging bangko, lamesa, bahay, mga kagamitan o kung ano pa man. Puno, basta puno patuloy na lalago at magbibigay buhay.

Pag binigyan mo na ng dahilan ang pag kakaroon ng puno, parang pag-ibig, doon na magsisimula ang pagkakaroon kondisyon sa pagkakalikha dito.

Upuan, pahingahan ng mga tao. Nagsisilbing rebound naman ito pag dating sa pag-ibig. Mahal kita kasi sinasalo mo ako noong hapo ang puso ko dahil sa sakit na dinanas ko.

Bahay na gawa sa kahoy, nagbibigay proteksyon at kanlungan sa tuwing ikaw ay pagod sa trabaho, eskwelahan. Dito mo mararamdaman ang kalinga at seguridad. Ngunit sa pagdating ng bagyo, madali din itong magigiba dahil gawa ito sa "puno" na dapat ay nagingpuno na lang. Negatibo ba? Pero ito ang totoo. Mahal kita kasi ikaw ang nag-iingat sa aking puso sa pag-uwi ko galing sa ibang bagay at lagi kang andyan para sa akin, naghihintay lang at di umaalis. *TAKEN FOR GRANTED*

Mamahaling muebles, nagbibigay dekorasyon at nagpapaganda ng isang lugar. Sadyang nakakabighani ang dulot ng pagkakaron ng mamahaling muebles. Gandang ipakita at idisplay kung saan saan. Sa pag-ibig ganun din. Trophy ka lamang ng kasintahan mo kasi maganda/gwapo ka. Tandaan natin na lumilipas ang panahon at kasabay nito, kumukupas ang magagandang itsura. Kukulubot din yan at hindi na magiging firm ang laman. Mahal kita kasi ang gwapo/ganda mo kaya nga proud ako sayo e.

Lamesa, patungan ng mga bagay bagay. Nagsisilbing patungan din ng init ng katawan. Hindi nagmamahalan talaga, o di kaya'y dahil sa patungan na lang kaya nagsasama. Iyong iba napatungan na kaya di na makawala. Kaya nga hayaan mong maging matatag na na parang isang isang matibay na puno ang pagmamahalan bago gawing lamesa ang katawan. Mahal kita kasi ang sarap mong patungan.

Ilan lamang yan sa mga masasakit na katotohanan pag may dahilan ang pagmamahal.
Ironically, magbibigay ako ng dahilan kung bakit ako nagmamahal sa taong mahal ko ngayon (hmm... talaga!?!?). Isang dahilan lang to... At marahil ito ang nagtulak sa puno upang tumubo ito sa kinalalagyan nito.

Mahal kita kasi ang buong kalawakan na ang nagtakda at tumulong sa akin upang makilala ka. Hindi ko pinilit ang sarili ko. Wala akong makitang dahilan kundi ito.

Sa tingin ko, ako ang iniisip ng Diyos ng pagpasyahan niyang likhain ka...

Mahal kita kasi MAHAL KITA.

First Kiss


So, it's your first kiss and several questions might come to mind:


Is it the right time?


Is anyone watching?


Does your partner even want to?


Is your breath fresh?


And... Should you use some tongue?


Then you lean in and just go for it!!!

Eye Twisters

This Illustrates That
Our senses cannot always be trusted.
Our mind is the final arbiter of truth.

Warped Square?
There are no curved lines in this figure.


Rotating Wheels
The circles appear to rotate when you move your head closer and further away from the screen while looking at the dot in the center.


Wavy Squares? No!
The background of concentric circles makes the squares appear distorted.



There are only white circles at the intersections



The center circles are both the same size.



There are no gray spots at the corners of the squares.


The diagonal lines are parallel.


The red squares are the same color
in the upper part and in the lower part of the "X"



Perpetually ascending staircase.
How can the man go up all the time and come back to the same place over and over?








So never make a decision based on your observations


Boys will Be Boys











And you also find out interesting things when you have sons, like...

1.) A king size waterbed holds enough water to fill a 2000 sq. ft.
house 4 inches deep.

2.) If you spray hair spray on dust bunnies and run over them with
roller blades, they can ignite.

3.) A 3-year old Boy's voice is louder than 200 adults in a
crowded restaurant.

4.) If you hook a dog leash over a ceiling fan, the motor is not
strong enough to rotate a 42 pound Boy wearing Batman underwear and
a Superman cape. It is strong enough, however, if tied to a paint
can, to spread paint on all four walls of a 20x20 ft. room.

5.) You should not throw baseballs up when the ceiling fan is on.
When using a ceiling fan as a bat, you have to throw the ball up a
few times before you get a hit. A ceiling fan can hit a baseball a
long way.

6.) The glass in windows (even double-pane) doesn't stop a
baseball hit by a ceiling fan.

7.) When you hear the toilet flush and the words "uh oh", it's
already too late.

8.) Brake fluid mixed with Clorox makes smoke, and lots of it.

9.) A six-year old Boy can start a fire with a flint rock even
though a 36-year old Man says they can only do it in the movies.

10.) Certain Lego's will pass through the digestive tract of a 4-
year old Boy.
11.) Play dough and microwave should not be used in the same
sentence.

12.) Super glue is forever.

13.) No matter how much Jell-O you put in a swimming pool you
still can't walk on water.

14.) Pool filters do not like Jell-O.

15.) VCR's do not eject "PB & J" sandwiches even though TV
commercials show they do.

16.) Garbage bags do not make g ood parachutes.

17.) Marbles in gas tanks make lots of noise when driving.

18.) You probably DO NOT want to know what that odor is.

19.) Always look in the oven before you turn it on; plastic toys
do not like ovens.

20.) The fire department in Austin, TX has a 5-minute response
time.

21.) The spin cycle on the washing machine does not make
earthworms dizzy.

22.) It will, however, make cats dizzy.

23.) Cats throw up twice their body weight when dizzy.

24.) 80% of Women will pass this on to almost all of their
friends, with or without kids.

25.) 80% of Men who read this will try mixing the Clorox and brake fluid.