Wednesday, April 7, 2010

Habang May Buhay Inay

Bawat pagsubok na dadaan, katuwang natin ang ating kaibigan. Sa kalokohan, sa kagaguhan, sa pag-aaral (daw), sa pagtambay, sa pag kanta, sa pag sayaw, sa pag ibig at sa kung ano ano pa.

Madaming beses na din na ipinaglaban natin ang ating mga kaibigan laban sa ating ina. Madalas naman din kasing pinagbabawalan tayo ng nanay natin sumama sa mga gimik kasi baka daw kung anong mangyare satin. Pinag-iingat pero ang tingin natin ay hindi nagtitiwala ang ating nanay sa tin. Malaki na tayo??? Oo pero hindi sa lahat ng bagay.

Madaming beses na din na narindi na tayo sa mga pinagsasasabi ng nanay natin. Bungangerang ina ang laging nagsesermon satin. Almusal mo ay bunganga. Tanghalian mo ay putak. Hapunan mo ingay. Pag papalarin ka pa, may midnight snack pa! Paulit ulit tayong pinagsasabihan ng walang patid na mga bilin. Madalas nga itinatanong natin kung hindi ba napapagod ang nanay natin. Siguro alam mo na rin ang sagot.

Minsan nga dahil sa laging pagpalo at pagbubunganga natin e nasasabi natin na sana mamatay na siya. Lalo pag nakaramdam na tayo ng unang bugso ng pag-ibig. Madaming nanay ang hindi sang ayon sa pagmamahalan habang tayo'y nag-aaral. Mahirap daw at masakit. Pero sinasabi natin sa sarili natin na mahal na mahal natin tong taong to kahit na makaaway pa natin ang ating nanay. Wala tayong pake kung umuwi tayo ng gabi dahil sa pakikipagdate, at nag-aalala ang ating inay. Wala tayong pake. Wala. Wala. Basta tayo, magmamahal sa ating kasintahan. Illegal pa nga kung tawagin ng iba.

Isinasantabi natin ang mga payo ng ating nanay kasi masaya tayo. Masaya, hindi papansinin ang ina. Pero sa oras na wala na ang ating mga kaibigan... iniwan na ng kasintahan... Sino ba ang una nating tinatawag? Sino ba unang andyan para pagalitan tayo. Galit dulot ng pagmamahal!!!

Hindi na natin inisip na nung mga bata pa tayo, si nanay ang unang tumulong satin sa pag tayo at paglakad. Si nanay ang unang nagturo ng ating salita na ginagamit natin ngayon sa pakikipagligawan sa ating mga tinatawag na mahal sa buhay. Si nanay ang nagpapalit ng ating mga diaphers pag tayo ay dumumi. Si nanay din ang ating takbuhan pag inagaw ng kalaro natin ang paboritong laruan natin.

Si nanay ang laging natutuwa sa tuwing tayo ay may kinakamit na karangalan. Si nanay din naman ang unang tumatawa pag may nakakamit tayong katangahan. Tatawa sabay abot ng kamay, "Tayo anak, kayang kaya mo yan."

Si nanay ang ating sandigan sa tuwing tayo ay nangangailangan. Si nanay ang hingian natin ng baon na pinanglalakwatsa natin. Ika nga, dugo't pawis ang ibinuhos para kitain iyong pera na iyon at napupunta lang sa mga pangbubulakbol natin imbis na sa eskwelahan.

Si nanay ang naghele satin sa tuwing di tayo makatulog sa gabi. Noong bata pa tayo ay tuwang tuwa tayo sa tinig ng ating ina, noong tumanda na ay naririndi na... "Bakit ganon anak? Bakit?" =(

Si nanay ang walang sawang nagkwekwento ng mga istorya pag gusto natin ng pampatulog. Pero ngayong mga payo na ang isinasambit ni ina, takip tenga na tayo... "Bakit ganon anak? Bakit?

Si nanay. Walang ibang hihigit pa sa kalinga ng isang ina.

Uuwi ka, bigo sa pag-ibig, umiiyak... si nanay handang magpatawad at sasabihin lamang na pinagdadaanan talaga yan. Uuwi ka, pinapatawag sa school ang nanay mo, siya pa ang hihingi ng tawad sa mga kasalanan mo.

Nanay lang sapat na.

Mapalad ka kung may nanay ka pa sa oras na binabasa mo ito. Hindi pa huli ang lahat. Ako ngayon ay gumugunita sa pagkawala ng aking ina. Ikaw ngayon nagbabasa, baka may nanay ka pa, yakapin mo at sabihing mahal na mahal mo siya. Wag kang mahiya. Hindi naman dapat ikahiya iyon kahit na matanda ka na. Sige na. "Bakit ganon anak? Bakit?"

Nay, patawad.
Nay, maraming salamat.
Nay, mahal na mahal kita.
Nay, ang aking buhay ay sayo ibibigay.
Nay, habang may buhay.


Hindi magmamaliw ang apoy sa puso ko.
Habang may buhay sayo lang ibibigay.

Hanggat ang dugo ko'y dumadaloy,
sayo lamang iaalay ang aking buhay.


Habang buhay inay... habang buhay. ='(

2 comments:

  1. Ang mga taong importante sa atin, kung minsan hindi natin pinapansin.. malalaman na lng natin kung gaano sila kaimportante kapag wala na sila at hindi na natin sila makikitang muli...

    "Ang pinakamahalagang tao sa mundo ay ang ina, sila ang nagbigay sa atin ng buhay at ang taong magmamahal sa atin kahit ano pa man ang gawin sa kanila... Magalit sa kanya o Saktan siya, lagi pa rin siyang nandiyan para sa atin, ang ating mama, nanay, ina... Ganyan nila tayo kmahal..."

    ReplyDelete
  2. ganda, true na true............

    ReplyDelete