Bitwin at Tala, ano ang pinag kaiba?
Mga kaututang dila, ito ang lathalain kong nagsasabing naka"move-on" na ako sa aking pagkabigo... :)
Isang buwan mahigit na gabi akong iyak ng iyak, mahigit isang daang litro ng luha ang naubos ko. Ngayon naisip ko, tama na. Panahon na para bumawi naman ako sa sarili ko. Naging mahirap para sa akin ang bumitaw sa pangalawang ulit, ningas kugon nga daw ako sabi ng nakalipas ko. Ningas kugon, sa una lang magaling pag dating sa huli wala na ang alab ng apoy. Pero teka, pano ang magniningas kung hindi naman ako naapuyan. :)
Well anyway, sana ay maging masaya na ang lahat dahil ako siguro na ako na magiging masaya din ako sa mga darating na araw. May susundan akong universal rule. Haha kabaliwan ng mga tao, lahat e dapat may sukat. Tatlong buwan daw. Sige na tatlong buwan na.
Ayun na nga, naka"move on" na ako, kaya ginawa ko tong lathalain na ito bilang unang liham pag-ibig na inaalay ko sa kahit kaninong may gusto, syempre sikreto ko na kung kanino talaga to.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa Binibining Bumihag sa Aking Puso,
Ang isip ko'y walang ibang laman kung hindi ikaw, mula ng ika'y makilala ay may kakaibang pakiramdam na akong nadama. Kapag lalo kong hindi pinansin ang aking nadarama para sayo ay malo akong naniniwala na kailangan kita upang mabuhay.
Hindi ko maaring hayaan na walang patunguhan itong aking damdaming nagmamahal at hindi ko hahayaang mawala ka na lamang ng tuluyan pero alam ko na sobrang nahihiya itong binata at natatakot akong baka makabanggit ng mga katagang baka di mo magustuhan at ako'y agad mong lisan. Takot ako na maglaho ang pag-ibig bago pa man malaman na ito'y maging totoo.

Para akong batang muli, nauutal at walang masabi. Panu bibigyan ng katawagan ang magkahalong paghanga't pananabik na masilayan ang iyong mukhang biyaya ng diyos. Mababaliw na nga ata talaga ako kung hindi maipapanalo ang iyong puso.
May mga lalaking nagsabi na sayo na ikaw ay kanilang bitwin na hinahangaan pag dating ng dilim, ngunit ako na hamak na binata lamang, ay itinuturing kang tala. Tala na gagabay sa aking buhay. Hindi titigil magmahal ang puso kong uhaw. Minsan na akong nahapo, ngunit nanatili ka sa paglalakbay ko. Sa liwanag kita'y nahagkan, hanggang sa dilim ako'y iyong samahal. Mahal na mahal kita. :)
Umiibig,
Manlalakbay para sa iyong Puso
No comments:
Post a Comment