Thursday, April 1, 2010

Mahal Kita kasi...

Walang rason kung bakit nagmamahal. Madalas nating naririnig na
Mahal mo ang taong mahal mo dahil MAHAL MO!

Sang ayon kaba?

Minsan kong inihalintulad ang tunay na pagmamahal sa isang buhay na puno. Patuloy na lalago kung hahayaan nating maging puno. Hindi bibigyan ng kahulugan na maging bangko, lamesa, bahay, mga kagamitan o kung ano pa man. Puno, basta puno patuloy na lalago at magbibigay buhay.

Pag binigyan mo na ng dahilan ang pag kakaroon ng puno, parang pag-ibig, doon na magsisimula ang pagkakaroon kondisyon sa pagkakalikha dito.

Upuan, pahingahan ng mga tao. Nagsisilbing rebound naman ito pag dating sa pag-ibig. Mahal kita kasi sinasalo mo ako noong hapo ang puso ko dahil sa sakit na dinanas ko.

Bahay na gawa sa kahoy, nagbibigay proteksyon at kanlungan sa tuwing ikaw ay pagod sa trabaho, eskwelahan. Dito mo mararamdaman ang kalinga at seguridad. Ngunit sa pagdating ng bagyo, madali din itong magigiba dahil gawa ito sa "puno" na dapat ay nagingpuno na lang. Negatibo ba? Pero ito ang totoo. Mahal kita kasi ikaw ang nag-iingat sa aking puso sa pag-uwi ko galing sa ibang bagay at lagi kang andyan para sa akin, naghihintay lang at di umaalis. *TAKEN FOR GRANTED*

Mamahaling muebles, nagbibigay dekorasyon at nagpapaganda ng isang lugar. Sadyang nakakabighani ang dulot ng pagkakaron ng mamahaling muebles. Gandang ipakita at idisplay kung saan saan. Sa pag-ibig ganun din. Trophy ka lamang ng kasintahan mo kasi maganda/gwapo ka. Tandaan natin na lumilipas ang panahon at kasabay nito, kumukupas ang magagandang itsura. Kukulubot din yan at hindi na magiging firm ang laman. Mahal kita kasi ang gwapo/ganda mo kaya nga proud ako sayo e.

Lamesa, patungan ng mga bagay bagay. Nagsisilbing patungan din ng init ng katawan. Hindi nagmamahalan talaga, o di kaya'y dahil sa patungan na lang kaya nagsasama. Iyong iba napatungan na kaya di na makawala. Kaya nga hayaan mong maging matatag na na parang isang isang matibay na puno ang pagmamahalan bago gawing lamesa ang katawan. Mahal kita kasi ang sarap mong patungan.

Ilan lamang yan sa mga masasakit na katotohanan pag may dahilan ang pagmamahal.
Ironically, magbibigay ako ng dahilan kung bakit ako nagmamahal sa taong mahal ko ngayon (hmm... talaga!?!?). Isang dahilan lang to... At marahil ito ang nagtulak sa puno upang tumubo ito sa kinalalagyan nito.

Mahal kita kasi ang buong kalawakan na ang nagtakda at tumulong sa akin upang makilala ka. Hindi ko pinilit ang sarili ko. Wala akong makitang dahilan kundi ito.

Sa tingin ko, ako ang iniisip ng Diyos ng pagpasyahan niyang likhain ka...

Mahal kita kasi MAHAL KITA.

2 comments:

  1. ang galing nito,,

    mahalin ka rin sana niya.

    ReplyDelete
  2. when you are loving someone, there will always be no reason why you love her/him because love will always be unconditional

    ReplyDelete