"I love you", sabi ng isang kaibigan.
" I love you too!", sagot naman ng kaibigan ng kaibigan ko.
Paulit ulit ko na lang naririnig yang i love youhan na yan ng mga magkakaibigan. Masarap malaman na may nagmamahal pero mas masarap sana kung totoo iyong nilalaman ng sinasabi. Madalas kasi e parang timang lang, daming i love you e wala namang laman.
Ako ay minsan lamang mag sabi ng "i love you"... (gaano kadalas ang minsan?) hehe
Mga kapatid, mas masarap pakinggan ang salitang "mahal kita" kesa sa "i love you" lalo na kung galing talaga sa puso. Well sinulat ko talaga tong blogpost kong to para punain yung mga ikay, emo, gangster, lover boy, matalinong nerd, bobong nerd at lahat ng taong marunong magmahal. Pakiusap, alamin ang tamang pag gamit ng salitang mahal.
Alam nyo ba na madaming kategorya ang wika sa pagsasabi ng salitang "mahal". Pwede itong gamitin pagnagmumura ka na dahil sa mahal ng bilihin. Pwede ding gamitin pag mataas na value mo sa ffs (isang app ng fb), pag nangangarap ka, at pag naglalaway ka na. Ang salitang ito ay nagpapahiwatig din ng nagaalab na damdamin para sa isang taong sobrang halaga sayo.
Pero ako, bukod sa pagsabi ng "mahal" sa mga bilihin, sinasabi ko din ang salitang ito kapag gusto kong iparamdam sa taong mahalaga sa akin na ayaw ko siyang mawala at siya ang nagbibigay ng kulay sa aking buhay. *cheesy*
Pero, puro na lang pero, alam nyo ba na mayron ding ibang mas mabigat na salita kesa sa salitang "mahal". Ang mahal kasi ay pwede mong sabihin kahit na kaninong taong mahal mo pero hindi sa taong kumukumpleto ng buhay mo, asawa, nobya, nobyo, pantasya o kahit sino pang dahilan mo kung bakit ka nabubuhay. Ang salitang tinutukoy ko ay ang salitang "irog".
Basahin mo maige, "iniirog kita", cheesy masyado noh? Pero basahin mo maige ulit... "iniirog kita"... laban sa "mahal kita"... ewan ko kung opinyon ko lang to, pero talagang mas may dating ang iniirrog kita.
May mga taong punyeta, inaayawan pag sinasabihan sila ng iniirog sila. Di ko malaman kung bakit, kasi ano? korny? makeso? O kahit ano pang dahilan yan, mas malaman padin yan kesa sa mga pa ilove you i love you ng mga kikay friends dyan. :)
Kamusta ang pakiramdam na ikaw ang buhay ko?
Anong mararamdaman mo kung mahal mo ako at sasabihin ko sayong iniirog kita? hahah! *kilig*
O sya sya, sabog na utak ko. At pagod na ako. Next time na ulit. Bye!
Tuesday, April 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I love you too hehehe pede naman talaga between friends eh pero minsan tama ka overused na hehe
ReplyDeleteMay munting contest ako malapit na! Sa 25 na! Comment ka lang sa post pasok na! http://bit.ly/c8xrnY
follow mo naman ako kaibigan! :) i love you! pwahahah
ReplyDeleteThanks for your entry sa munting contest ko... =)
ReplyDeleteaztig pare ... xD hahaha uu nah kaw nah .. xD haha
ReplyDelete