Tuesday, April 13, 2010

Libreng Wi-Fi

Nakaupo ako ngaun dito sa may "talipapa", isang lugar sa loob ng Pamantasang Normal ng Pilipinas kung saan nakatambay ang mga estudyanteng pumapatay ng oras kasama ang mga pusang kumakain ng tira tira.

Dito sa talipapa ay sagap ang libreng Wi-fi ng eskwelahan. Isang state university pero may mga ganitong features din naman kahit papano. Ang wi-fi na ito ay talagang malakas. Ang katabi kong sina Liezel at Ariane ay mga pawang naka wi-fi din. Dati kong kaklase ang dalawang ito, masaya na kasama ko silang ulit pagkatapos ng ilang panahon.

Ang talipapa na ito ay nagmimistulang comp shop dahil sa dami ng may laptop at nagtatatype dito. Libre internet e.

Facebook. Blogspot. Facebook. Blogspot.

Wala akong ibang ginawa dito kundi ang mag type at mag compute ng aming research. Katuwa. Kapagod. Libre ang wi-fi.

Sa facebook naman eh wala akong ginawa kundi tumingin ng mga bagong larawan ng mga kaibigan. Walang magawa. Libre wi-fi.

Wala kang mapupulot sa blogpost kong ito kundi para malaman na libre wi-fi sa aming pamantasan. Hindi ako magrereact sa kung anung issue. Basta libre lang ang wi-fi.

Babye!


paki Follow naman blog ko!

No comments:

Post a Comment