Sa paglipas ng panahon
Sa paghihirap ako'y makakaahon
Maghihilom ang sugat sa puso
Sanhi ng pagiging sinto sinto
Tanging kilala ko'y ako
Walang iba at may sariling mundo
Luhang gumagawa ng kalawang
Iyak tawa ng isang buang
Titingin sa kanan at magsasalita
Tatalikod at tatawa
Tatayo at tatakbo
Uupo at malilito
Hindi titigil ang aking puso
Umibig kahit na ako'y bigo
Hindi nila ako maiintindihan
Dahil wala naman silang alam
Ako at ang aking masayang mundo
Ang patunay na mas maige pa ang sinto sinto
Kaysa naman nakikita mo ang mga tao
Walang ginawa kundi mang gago
May isa pang dapat malaman
Hindi pagtawa ang pinakamainam na kagamutan
Dahil kahit buong araw na akong natawa
Hindi padin gumagaling ang ulo kong sira
Friday, April 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow naman. tama nga mas maganda maging sinto sinto ksi pwedi kang gumawa ng sarili mong mundo sa puno ng kulay kahit wala namn
ReplyDelete