Monday, February 15, 2010

10 Commandments for Parents





Napakahirap magpalaki ng anak, lalo na kung marami sila.




Kahit sila'y nanggaling sa inyong dugo't laman huwag ninyong asahan na magkakatulad ang kanilang mga pag-uugali.




Makakatulong ng malaki sa inyo ang 10 commandments for parents. These apply to children of all age.



1.


I SHALL TREAT MY CHILDREN EQUALLY. gagawin ko ang lahat upang maging pantay ang pagtingin at pagmamahal ko sa aking mga anak.



2.


I SHALL PRAISE ALL GOOD BEHAVIOR. pupurihin ko't gagantimpalaan ang anumang mabuting nagawa ng bawat isa.



3.


I SHALL HELP ALL MY CHILDREN ACHIEVE INDEPENDENCE. tuturuan ko silang makihalobilo sa iba, maging responsable. At tutulungan ko sila kapag may problema, papalakasin ko ang kanilang loob kapag nagkukulang sila ng tiwala sa sarili.



4.


I SHALL DISCIPLINE MY CHILDREN WITH LOVE. paparusahan at pagsasabihan ko sila, kung kailangang gamitan ko sila ng palo ay gagawin ko dahil alam ko na importante para sa mga bata na turuan sila sa kung ano ang mabuti upang maipagmalaki nila ang kanilang mga sarili sa kanilang paglaki.



5.


I SHALL LOVE MY CHILDREN UNCONDITIONALLY. mamahalin ko sila ng walang hinihinging kondisyon dahil alam ko na kapag ang bata'y minamahal lamang kapag nagbehave, lalaki sila na lagi ng may gustong patunayan upang sila'y mahalin.



6.


I SHALL ALLOW MY CHILDREN TO SOLVE THEIR OWN PROBLEMS. hahayaan ko silang lumutas sa sarili nilang problema upang maaga silang matutong tumayo sa kanilang sariling paa.



7.


I SHALL TRUST MY CHILDREN TO DO WHAT IS RIGHT. ibibigay ko sa kanila ang lahat ng pag-aalay at suporta sa paggawa nila ng mga desisyon...may tiwala ako sa kanila na magiging dahilan ng pagkakaroon nila ng good judgement at magpapalakas ng kanilang self confidence.



8.


I SHALL SET A GOOD EXAMPLE. magiging tapat at magalang at maunawain ako para sa kanila. hindi ako gagawa ng labag sa batas na maaaring ikalagay sa panganib ng aking kalusugan o ikapapahamak ng aking pamilya.



9.


I SHALL RESPECT MY CHILDREN'S FEELINGS. uunawain ko't igagalang ang kanilang damdamin upang hindi sila matutong maglihim sa akin.



10.


I SHALL ALLOW MY CHILDREN TO MAKE THEIR CAREER CHOICES. hindi ko sila pipilitin na tuparin ang mga nasira kong mga pangarap dahil alam kong magiging mas maligaya sila kung may kalayaan silang pumili ng kurso na kanilang kukunin.

No comments:

Post a Comment