Monday, February 15, 2010

Kailan Kaya

Kailan kaya?
Tanong ng pusong nagdurusa
Sa bawat umagang babangon sa pagkakahiga
Sa bawat taong bumabati ng magandang umaga

Bakit ba ang puso’y nahihirapan
Sa pagiisip kung kailan mararanasan
Ang dakilang pagibig na inaasahan
Mula sa binibining hinahagkan

Sa bawat sulyap mula sa kanya
Napapaindayog ang puso ko sa saya
Subalit kapag siya at papalayo na
Di maiwasang tumulo ang aking luha

Kailan kaya?
Ang tanong ng pusong nangangarap
Kailan gigising sa umagang kinahaharap
Siya ang kasama sa malawak na alapaap

No comments:

Post a Comment