Nagkakagulo na sa labas! Mga yabag ng mga paang nagmamadali sa paghakabang. "Yes! nakakatatlo araw na ako!" "Dalian mo at papasok pa tayo!" "Bili tayong putobumbong at bibingka". Iba't ibang usapan ang maririnig. Paalam ng mga magkakaibigan. Angal ng mga batang akay akay ng ina na inaantok pa. Habilinang walang katapusan. At kadalasan sa simbang tabi, este, simbang gabi ay may bonus pa! Makakadinig ka ng mga matatalinghaga at mabubulaklak na salita mula sa isang lalaking naniningalang pugad. At matatawa ka na lang sa iyong sarili dahil alam mong pambobola lang iyon.
Ngunit ibang pangungusap ang hinihintay kong marinig. Ng magaalasais na ng umaga, biglang nagwika ang isang lalaking puting puti na may suot na kulay lilang balabal ang nagwika, "Humayo kayo ng mapayapa". Ayun! tapos na ang misa! Ngunit para sa akin, ang alas-sais ng umaga ay may ibang kahulugan maliban sa tapos na ang ikatlong araw ng simbang gabi. Mas higit pa don. Para sa akin, nangangahulugan ito na magkikita na naman kami ng taong napakahalaga. May usapang nga kaming magkikita ngayon. Siyempre, sa dati pa ding tagpuan kung saan kami nagkakilala. Hayy... sabik na sabik na akong makita sya. Ilang ORAS ko na din kasi syang di nakikita at nakakausap.
Ang taong tinutukoy ko? Ay ang prof ko sa Psych. (akala nyo kung sino no?) Kaya ng matapos ang misa at ang pagdadasal ko ng mataimtim, dali dali akong lumabas ng simbahan at nagabang ng jeep. Bigla kong naisip na Dec. 18 na pala, ikatlong araw ng simbang gabi at nakakatatlo na rin ako! Sana makumpleto ko ito. Sumagi sa isip ko na kahit simbang gabi na ay may pasok pa din maramihan sa mga estudyante.
Sumakay na ako ng jeep at ng LRT papasok. Naglakad sa kahabaan ng Taft Ave,. Dinaan ang ADU at Sta. Isabel kasabay ang mga estudyanteng hikahos sa pagmamadali. Pag pasok ng PNU, nituldukan ang bag ko gamit ang drumstick ng isang sikyo upang masabing nagchecheck sya ng bag ng mga pumapasok. Diretso na sa silid kung saan kami magkikita. Wala ng panahon upang tignan ang sarili sa salamin sa CR.
Nakaugalian ko na noong high school na magsimbang gabi bago pumasok sa paaralan, nangangahulugan na kahit noon pa man ay may pasok kahit simbang gabi na! Iba kasi ang pakiramdam ko kapag isa isa kong nakukumpleto ang nobena. Para bang kapag nakukumpleto ko ito, pwede kong pagaanin ang aking mga problema at maibsan ng kahit konti ang mga bagay na nagpapabigat sa dibdib ko. Para akong pumapasok sa isang mundo walang pipigil sa akin kapag ninais kong maging masaya dahil sa aking mga suliranin. Ramdam na ramdam ko ang Pasko sa pagmamahal ng Diyos at sa pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko!
Ooooppsss! Si sir papasok na! kailangang mauna ako! Dali dali akong umakyat ng third floor at pawis na pawis na pumasok sa silid. Sakto! hindi ako nahuli sa klase! YES! ang sabi ko sa sarili ko. Sa pagpasok ni Sir, agad itong kumuha ng chalk at walang dala kahit ano kundi chalk lang talaga. Nakakadama ako ng pananabik sa kung ano ang isusulat nya. Dumaan kasi ang prelims at nararamdaman kong may bago na namang lesson... marunong naman ako magaral kahit papano.
"Your requirements to be passed on January 5........." ng makita ko ang mga katagang ito na sinusulat ng prof ko... unti unting lumipad ang diwa ko. "Pano na lang ako sa bakasyon?" "Requirements na naman?" "Ok lang yan basta sana madali lang".... "Mr. Mellor!" "Mr. Mellor!" naku patay! tinatawag na pala ako ng prof ko!
Hindi kaagad ako nakasagot. Ang buong akala ko tuloy ay may isang masamang tao na tumatawag sakin. Hindi pala! Nais lang pala nyang tanungin kung may gumugulo sa isip ko! Nais nyang tumulong. Bakas sa mukha ng lahat ng kaklase ko ang pagkadismaya dahil may requirements pa... hays...
Lumipas ang siyam na araw ng simbang gabi. Masaya ako at nakumpleto ko ito. Kailangan daw magwish. Wish ko ay sana next year makumpleto ko ulit ang simbang gabi at mas maging produktibo akong magaaral. Dec 24 na! Ang noche buena! Kainan! Mga tugtuging pamasko at mga batang tumatakbo! May pananabik sa lahat na salubungin ang pagdating ng ating Tagapagligtas.
ring ring! "Hello! Goodevening!" ang wika ko!
"Oi MC! Merry Christmas! tapos ka na ba sa requirements?"
"Merry Christmas din! Wag na nating pagusapan ang requirements muna! alam na iyon!" sabay kaming nagtawanan dahil alam naming pareho kami ng katayuan pagdating sa paggawa ng mga requirements.
Isang malamig na boses ang aking naririnig... nagbabago ang simoy ng hangin...
Masaya ang buong paligid! "Merry Christmas!!"
alas-dose na pala at pasko na. Salamat sa Diyos!

No comments:
Post a Comment