Patay na si Kupido
Pinana ang sariling puso
Umibig sa isang mortal ang diyos
Ang kayang buhay ay tinapos
Paalam ang sambit ng binata
Sa dalagang minahal sinta
Pahinga sa panghabang panahon
Handog ng pighati sa loob ng kahon
Hindi mabubuhay ang pag-ibig
Kung tiwala ay wala sa dibdib
Bukang bibig ng binata
Na siya namang nasira
Aagos ang luha ng walang maliw
Hindi makakakamit ng konting aliw
Ngiti sa labi ay tuluyan ng mapapawi
Kasabay ng pag-ibig di na mumutawi
Ubos na din ang pana
Luha na lamang ang natitira
Habang ikaw ay papalayo
Tapos na ang pag-iibigang ito
-Pebrero 14, 2010
Monday, February 15, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment