Saturday, February 27, 2010
Sa Pagkakaupo
Nag-aantay ng alas dose para gumawa ng dapat gawin. Katamad. Walang laman ang utak kung hindi ikaw. Katamad. Walang lamang ang utak kung hindi ikaw.
Kaharap ang umiilaw ilaw na makabagong TV kung tawagin ay monitor kakabit ng pesteng CPU at pindutang sira pa ang space bar at enter. May katabi akong isang lalaki sa kaliwa. At isang bakla sa kanan. May tumutugtog sa tenga kong di ko alam kung anong kanta at ang nakakainis pa ay korean ata to. May mouse sa gilid na nag-aantay kainin ng pusa. May mountain dew at apat na balot ng roller coaster. Katamad. Walang laman ang utak ko kung hindi ikaw.
Umiilaw din ang cellphone ko dahil sa mga mensaheng wala namang gusto iparating kundi kabalbalan sa buhay. Naghahangad magkaroon ng kulay ang mundong puno ng gulay.
Pagod ako pero masaya sapagkat nakapag abot kami ng tulong sa mga HL... hindi hampas lupa a, bagkos e mga hulog ng langit. Mga batang nangangailangan ng kalinga. Mga batang kumakain ng noodles lang sa isang araw. May bata pa nga na hindi pa nakakakain ng kain sa tana ng buhay nya pero nakakakain na sya ng champorado. Hindi nya alam na sa kanin pala ito gawa. Alam nya lang tsokolate. May bata namang tatlong beses lang kung maligo sa isang linggo. May bata din namang pitong taon na ang edad ngunit kasing laki lang nya ang kapatid nyang tatlong taon. Matalino ang batang ito. Marunong nang bumasa at sumulat at mahusay pa sa pagsagot sa mga tanong ng mga naging ate at kuya nila sa loob ng dalawang sabado.
Dalawang sabado din kaming nagturo sa mga 'to at nagpakain na din. Kakabutas ng bulsa pero kakataba naman ng puso na hahabol ang mga bata at sasabihin pa na bumalik ulit sa susunod na sabado dahil ngayon lang daw nila naramdaman na magkaroon ng kaibigang tulad namin. Iyong iba ayaw ng bumalik sa kani-kanilang bahay at gusto na lang manatili sa piling ng mga ate at kuya nila.
Saya, pagod, tuwa, pawis, dumi, ngiti at iba't ibang pakiramdam ay iyong mararamdaman sa pagsasagawa ng outreach program na katulad nito. Madaming itinuro, umarte, umawit, sumayaw, gumuhit at nagtatatakbo ang mga bata kasama kaming mga ate at kuya nila. Arteng hindi nila pineke, umawit na hindi naging ingay sa pandinig katulad ng nangyayare sa kanilang tahanan, sumayaw na walang iniisip kung ano kaya ang ulam mamayang gabi, at gumuhit na hindi iniisip kung kakain na naman ba sila ng panis na kanin.
Katamad. Walang laman ang utak kung hindi ikaw.
Bukas sana kasama ko na ang mga "ikaw" na ito na pag-asa ng ating bayan.
Kung may pera kang sobra, text mo ko! Tara tulong tayo!
Pinagawa din namin sila kung anong gusto nila maging sa paglaki nila.
May sumagot, "janitor". Marangal na trabaho nga naman, ito kasi ang kanilang mga nakikita kadalasan sa eskwelahan. Kung mangangarap ka na lang din ay taasan mo na diba? Kayo nang bahala kung ano ang tingin nyo sa pangarap ng batang ito. May doktor, guro, inhinyero, artista, mangaawit at snatcher!
May pera ka na? Tara tulong tayo!
Mamamaho ka talaga sa pagtulong sa mga batang ito dahil samut saring pawis at dumi ang didikit sayo pero samu't saring kabanguhan naman ng iyong loob sa tuwing makikita mo silang tatawa ng malakas at sasayaw na para bang ayaw na nilang matapos ang pagkakataon.
Sana'y wala ng wakas to ngunit kailangang magwakas!
Kaya kung may pera ka na, tara tulong tayo!
Kahit hindi pera, kahit pagmamalasakit at pagtyatyaga lang. Dahil kami nga ay kumuha lang ng sponsor, Jollibee. Salamat sa mabait na tumulong!
Kayong lahat na makakabasa nito, tara tulong tayo.
Katamad. Walang laman ang utak kung hindi ikaw.
~Kuya MC
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
niCE niCE,,naRAnasaN ko n din po yAN...sunDAY schOOL teaCHer po kC ako..toToO nga po..maSAYa aT nakakataBA ng puSo..Ü
ReplyDelete