Monday, March 1, 2010

Nang Magtagpo ang Nangangarap at Pinapangarap

Ako si Superman!
Meron akong malulupit na kapangyarihan!
Ako si Batman!
Meron akong maraming kayamanan!
Ako si Spiderman!
Meron akong malakas na pangangatawan!
Ako si Ironman!
Meron akong magandang sasakyan!
Ako si Peter Pan!
Meron akong kabataang walang hanggan!
Ako si Eagleman!
At hindi nagaalmusal si Eagleman!

Ako ay Ako! Mangangarap! Nabubuhay sa pangarap.

Lahat ng binanggit ko ay tanging mga pangarap na kadalasang maririnig natin sa mga musmos na gustong lumipad. Hindi lamang sa musmos paririnig itong mga katagang ito, maririnig mo din ito sa mga matatandang isip bata. ehem.

Tanging ang pangangarap lamang ang nananatiling libre sa panahon ngayon. Lahat may bayad. Lahat may kapalit. Alam nyo ba na kahit ang pag-inom ng tubig imburnal sa mga "mura na madumi pa" na karindirya ay may bayad na din. Ang tutong may bayad.

Kung gusto mo namang tumingin ng mga magagandang babae o di kaya lalake, may bayad nadin ang mga ito, friendsteat facebook ang unang puntahan ng mga nagnanais makakita ng mga naggagandahang mga kinapal. At peysbuks naman ang pinupuntahan pag gustong makakita ng pangit. ehem..

Mahal na ang gas. Mahal na ang baboy. Mahal na ang manok. Mahal na ang isda. Mahal na ang gulay. Mahal na ang bigas.

Lahat may bayad. Buti pa ang mga to nagmamahal, sakin wala.

Mahal ang baboy pero murang mura lang ang pambababoy. Mahal na ang manok pero pababayaran ka pag binoto mo ang manok ni kapitan. Mahal na ang isda pero nagkalat padin ang mga mas masahol sa malansang fish. Mahal na ang gulay pero nananatiling murang mura ang mga binebentang laman ng mga dalagingding na kulang sa nutrisyon. Mahal na ang bigas ngunit ikaw hindi mo ko mahal.

Gulo ng isip ko.

Madaming pangarap ang mga katulad kong itinadhana para lamang mabuhay sa pangrap dahil wala namang pera para magawa ang ilan sa mga ito.

Pero marami pading nagsasabing masarap mangarap lalo na pag ang pinapangarap mo ay masarap din. Masarap na pagkain... masarap na pamumuhay... masarap na bahay... at masarap na ano...

hay ang sarap talaga mangarap.

pero alam nyo kung ano ang mas masarap? mas masarap pag nagtagpo na ang nangangarap at ang pinapangarap nito.

Ang pagtatagpo ng dalawang pusong itinadhana ng mga bituing naglalaglagan mula sa langit. Madami tayong nakikitang mga taong iniaasa sa tadhana ang lahat ng parte ng buhay nila at walang tigil sa pangangarap ang mga ito.

Ang mga pangarap ba ay nagbibigay pag-asa o sadyang nanlilinlang sa mga taong wala ng magawa kundi umasa parang ako. Sa tingin ko pag-asa ang dulot nito kung may kaakibat na gawa at pag darasal.

Gulo ng isip.


Pangarap. Nangangarap. Hanggang kailan? Hanggang matapos ang pag-ikot ng mundo at malaman na may alien sa ibang mundo.

3 comments: