Bakit kaya nagkaron ng konseptong perpeksyon? Sa mga test papers lang ba talaga makikita ang tunay na perpekto? Sa Diyos? Panu na lang sa tao?
Kanina nagkaroon kame ng pagsusulit sa Phil. Lit at sabi ng prof ko, "25 ang passing grade ah, may nakaperfect ba?"
Biglaan naman akong sumagot, "Ma'am nobody is perfect". Sinundan ito ng tawanan ng mga kaklase ko sapagkat nakakatawa daw pagkakasabi ko tapos may isa naman akong kaklase na lumagpas sa passing grade na 25, 48 nakuha nya. "Wow, Overpass ako", ang biglaan naman nyang punchline. Nung una e may mga hindi nakagets at iyong mga katulad ko naman na nagets agad ay nagbitaw ng tawang tila wala ng bukas. *Tawa. Tawa.*

At nakakatuwa din malaman na may mga taong Perpekto at iyong iba ay Perpekta ang pangalan. Sa tingin mo ba ay perpekto sila? O hindi ka makatingin kasi di naman perpekto paningin mo?
Mahirap talaga maging perpekto sa mundong ito dahil lahat ng kabutihan ay may kaakibat na di kabutihan. Lahat ng gawin mong inaakala mong mabuti ay may kaakibat na butas. Minsan ay ikaw na ang tumulong ikaw pa mali. Lalong lalo na sa pakikipagrelasyon.
Sabi nila wag mo na daw hanapin ang perpektong tao para sayo na magiging kabiyak ng puso mo bagkos ay magsikap ka na magpakaperpekto upang sa panahong dumating ang taong para sayo ay handa kana sa pagiging imperpekto nito.
~Pagnagtagpo na ang dalawang tinadhana ng panahon, papasok na ang isa sa pinakamabigat na tanong. Alin ba ang tama, Magbago siya kung talagang mahal ka niya o ang katagang tatanggapin kita sa kung sino ka dahil mahal kita. Dalawang tama? Walang tama? A eh kaw na bahala, praningin mo sarili mo.
Pag nagbago ba ang isang tao para sa taong mahal niya ay siya pa rin ba ang taong minahal ng mahal nya? At eto pa, meron bang taong hindi nagbabago? At paano mo naman matatanggap ang taong mahal mo kung araw araw halos siyang nagbabago? Ano ba ang pagmamahal? Ano ba ang perpeksyon sa aspekto ng pag-ibig? Paano mo malalaman na nagmamahal ka at minamahal ka, pag handa ka magbago at siya naman handa kang tanggapin?
Bakit may nagbabago at handang magsakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? At bakit may tumatanggap ng sakit para din sa pag-ibig?
Puro na lang ako tanong, wala naman akong maisagot. Pwede ba ako na lang sagutin mo? (pick up line? haha)
Masama talaga ang loob ko habang isinusulat ko ang lathalaing ito.
Patawad. Hindi kasi ako perpekto. Tao lang nagkakamali, na siya rin namang dahilan kung bakit kailangang maging perpekto... dahil ako ay tao.
Isa lang ang masasabi ko, masarap malaman na ikaw ang pinaperpektong tao para sa taong nagmamahal sayo... Perpektong Imperpekto.
Lahat ng kalakasan at kahinaan mo ang bumubuo sa pagiging Perpektong Imperpekto mo para sa taong buong pusong umiibig sayo.

No comments:
Post a Comment