Mula pa noon, naging paksa na sa mga debate ang titulo ng lathalain kong ito. Marami na akong narinig na opinyon at madami na din talaga ang mga nanindigan sa kanilang mga sagot. Maraming pangahas na sumubok lumaban sa mga sagot ng mga taong tinuturing na Dr. Love ng bayan. Mayron din namang nanatiling tahimik at sa gawa na lamang idinaan. Ngunit anu nga ba talaga ang dapat gawin? Ipaglaban mo ang taong mahal mo o palayain upang patunayang ikaw ay nagmamahal?
Sino ang tunay na nagmamahal? Ang nakipaglaban para sa isinisigaw ng puso o ang nagpalaya upang ibigay ang kasiyahan ng taong sinasabing mahal niya. Ano ba talaga kuya!?
Nakakatuwang isipin na may mga taong handang handa makipaglaban para sa bayan ay este para sa taong minamahal niya, mas nakakatuwa namang isipin na dalawa sila, kasama ang taong ipinaglalaban niya, ang nakikipaglaban para sa kanilang pagmamahalan. Pero panu kung ikaw na lamang mag-isa ang nakikiag laban? Laban o Bawi na? Go home? Go Go?
LABAN - tanga ang tawag sayo o di kaya naman ay pagandahin natin ng konti, Martyr! Magpapagawa tayo ng rebulto para sayo doon sa tabi ni Rizal sa luneta. May magbabantay sa rebulto mo dahil nga isa kang dakilang martyr. Tanga sa pag-ibig. Bobo sa pagmamahal. Pero teka, baka nagkakamali ako. Hindi kaya ang pakikipaglaban mag-isa ay ang magpapatibay sa loob mo at magiging mas matatag ka na sa susunod na laban mo sa pag-ibig? Ang pakikipaglaban mag-isa ang magbibigay sayo ng liwanag sa dilim. Ang pakikipaglaban mag-isa ang susi sa sarado mong isipan (katangahan) upang makita mo na tanga ka talaga.
BAWI - hahanga ako sayo pag sinabi mong bawi na. Ang pagtigil ng laban para sa taong mahal mo ay hindi na ibig sabihin ay pagsuko. Malay mo gusto mo lang magpahinga at mahalin naman ang sarili mo. Mahirap ipaglaban ang taong ayaw namang ipaglaban mo siya. In short, wag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo gaano mo man ito kamahal. Oo na, nagmamahal kana pero sana naman hindi nasasayang yang pagmamahal mo. Tandaan mo isang beses ka lang mabubuhay at isang beses ka lang din mamamatay (huh? ano daw) ibig sabihin, wag mong sayangin yang puso mo sa pagmamahal ng taong di mo malaman kung manhid o isa pang tanga hindi makadama.
Kung ano man ang piliin mo sa dalawa ay walang magbabago sayo, nagmahal ka, nagmamahal at maaaring magmahal sa kinakakaharap. Tao ka pa din. Pwedeng taong tanga, o taong mas tanga! :)
Maganda at Gwapo lahat ng nilalang, bukod sa lahat wala kang kaparehas sa buong mundo. Gamitin mo ang kakayahang magmahal na pinagkaloob ng Diyos sa taong karapatdapat namang tumanggap nito, hindi iyong inuunggoy ka lang at ginugulangan. Taken for granted ika nga sa ingles.
Sabi ng nanay ko, gwapo daw ako (malamang nanay ko iyon e) upang mapasaya ako kahit joke lang naman niya yun. Ibig sabihin kung may nanay ka, deep inside dyan sa utak ng nanay mo gusto ka niyang makitang masaya sa lahat ng aspekto ng buhay mo. Kung masaya ka sa pakikipaglaban at naniniwalang sa bandang huli ay mapapasayo din siya e di go lang ng go walang pipigil sayo! Mag suot ka lang ng matigas na matigas na helmet para di ka kaagad maumpog at tumigil sa pakikipaglaban mo. At kung alam mong magiging masaya ka naman sa pagtigil ng pakikipaglaban mo dahil alam mong wala na ang taong ipinagsisigawan mo sa buong mundo, eh di go home ka na. Iyak mo kung gusto mo pero bawal ang emo.
Ano ipaglalaban mo ba ? O isusuko na lang ng basta basta?
Papalayain mo ba para siya maging masaya? O ipagsisiksikan mo ang sarili mo sa kanya?
Kaw na bahala, sirain mo ulo mo sa kanya. :)
No comments:
Post a Comment