madalas kong nababasa ang tulang ito ni Luis Cardenal sa berso sa metro:
Nung ikaw ay nawala,
Kapwa tayo nawalan.
Ikaw na sa akin ay nagmahal
At ako ang sa iyo ay nagmahal.
Ngunit sa dalawa, higit na ikaw ang nawalan:
Dahil maaari akong makatagpo
Ng sinuman na mamahalin ko,
Gaya ng pagmamahal ko sa iyo,
Ngunit ikaw ay maaaring di makatagpo
Ng pagmamahal na iniukol ko sa iyo

Sa tuwing sasakay ako ng tren kabit kabit ang headphones kong kaliwa lang ang nagana at tumutugtog ang mga kantang nagmula pa sa mga bigong puso ng lumikha ay talagang di ko maiwasang tumingin sa mga nakalagay na berso sa metro. Ito ang mga tulang may kaakibat na salin sa wikang espaƱol at may mga larawan pang sobra kung magpahiwatig ng damdamin.
Sa dami ng tula dito, meron pa ngang tula na ang larawan ay kamukha ko e, haha, ang tulang nakapaskil dyan sa itaas ang talagang pumukaw sa damdamin ko. Totoo. Patama. Ilag.
Mahirap tanggapin ang katotohanang ang dating mahal mo, ngayon ay isa nang estranghero (kuya jomar). Mas ok pa nga sana kung kakilala mo. Pero hindi, estranghero. Lalagpasan ka sa tarangkahan. Walang pansinan. Walang pakialaman. Kanya kanya. Di magkakilala.
Ok lang. Ganyan naman talaga at iyon daw ang kailangan para mas mapadali ang pag move on ika nga. Dadali daw kasi hindi na kayo mag-usap at di na kayo makakabalik pa sa dating "kayo".
Tuluyan nang isinara ang pinto. Wala ng dapat asahan pa. Mas makakabuti na daw ito kesa naman sa dalawang nagkakasakitan lang ng husto.

Makinig maigi sa susunod kong sasabihin.
ANG NAGPAPAALAM SA LUMIPAS, LAGING MAY MAY BAGONG BUKAS.
Ang buhay natin ay parang tren din talaga. May mga istasyon. Lalagpas sa mga nakalipas, tatahak patungo sa panibago hanggang makarating sa paroroonan. Kung di ka naman tiyak, matatapos at matatapos ka hanggang sa dulo ng istasyon. Pwede kang bumalik pero ibang direksyon na ang tatahakin mo. Bagong karanasan pero kadikit padin ang mga alaala ng nakaraang byahe. Mananatili ang lahat sa nakaraan. Magbubukas ang bagong kinabukasan.
-
-
-
-
Pagbaba mo na sa istasyon (Libertad), sakay ka ng jeep papuntang Evanglelista. Baba ka sa may Aurora. Lakas ka papuntang Mangubat. Ipagtanong mo bahay ni Nabong, ayun na bahay ko.
No comments:
Post a Comment