Thursday, March 18, 2010

Ang Manunuyo sa LRT

Sa LRT nakakita
Isang matipunong binata
Agad na bumungad
Hawak nyang bulaklak

Pormadang rakista
May dala pang gitara
Nauso ata ulit ang harana
Para sa mga dalaga

Halata sa kanya ang kaba
Nag-iisip ng mga salita
Salitang magpapahiwatig
Nilalaman ng kanyang dibdib

Pagtigil ng tren sa D.Jose
Agad syang lumabas ng walang pake
Nagmamadali ang mga paa
Hindi na makakapaghintay pa

Patungo sa sinusuyo
Walang paki kahit malayo
Maipadama ang ligaya
Sa binibining sinisinta

Tapos na po.

No comments:

Post a Comment