Sunday, March 21, 2010

Manatili Ka Lamang

Ilang beses na akong nanaginip ng gising
Tungkol sa pagmamahalan natin
Dadalhin kita sa ibang mundo
Kung saan meron lamang ikaw at ako

Aalisin lahat ng bumabagabag sayo
Dadalhin ito sa kabilang dako ng mundo
Yayakapin ka ng kay higpit
"Ikaw lamang" ang aking isasambit

Maglayag tayo sa lalim ng gabi
At tutungo sa malayong magkatabi
Kung saan tama ang ating pag-ibig
Tungo tayo sa aking daigdig

Tuwing ika'y nalulungkot
Tuwing ika'y umiiyak
Ako ang sayo'y magpapatahan
At hinding hindi ka iiwan

Tuwing ika'y nilalamig
Tuwing ika'y nangangailangan
Ako ay tatakbo patungo sayo
At ialay ang pag-ibig na walang hanggan

Alam mo naman kung gaano kita kamahal
Kung kaya't biguin ako'y ipinagbabawal
Hindi ako humihingi ng sobra
Manatili ka lamang


Sa isang tahimik na umaga
O sa maulang gabi
Kakanlunging ka ng aking puso
Dumating man ang mabilis na bukas

Isang hapon sa iyong mga mata
O panghabang buhay na ligaya
Di sasapat ang walang hanggan
Sa ating magandang simula

Lalong nahuhulog sa iyo
Nawa'y matuto kang sumalo
At kung ikaw naman ang mahulog ng husto
Mananatili ka sa aking mundo

Manatili ka lamang
Hindi magwawakas ang pagmamahalan
Manatili ka lamang
Di sasapat ang walang hanggan

No comments:

Post a Comment