Thursday, March 18, 2010

Mahirap Maging Mahirap

Mahirap maging mahirap

Gigising ka ng di mo alam kung may kakainin ka pa. Sana di ka na lang nagising kasi haharap ka na naman sa parehong problema. Pera. Pera. Madaming kahid wala pading tuka. Kaya madami talagang mahirap ang nagtutukaan na lang pag gabi kaya lalong dumadami e. :)

Sa pag gising mo din bubungad ang magandang umaga kasabay ng bungangerang ina. Ang gulo ng buhay talaga. Nung bata ka bubungangaan ka na matulog ka ng tanghali para lumaki ngayong malaki ka na e gigisingin ka naman agad ng maagang maaga para utusan mangutang sa tindahan kahit isang tinapay lang.

Maliligo ka na lang e kailangan mo pang mag igib sa kapit bahay dahil di kayo maka pag pakabit ng sariling nawasa niyo. Walang tubig. Tag ulan na el niƱo pa din sa bahay nyo. Pag ka igib mo ay uunahan ka pa ng kapatid mong bulinggit at gagamitin pampaligo sa baby sa bahay nyong kakatae lang. Late ka na sa eskwela.

Aakalain mo namang makakapasok ka na... eh biglang may dumating na matandang ubanin. Naniningil ng utang sa nanay mo kaya ang dapat na baon mo sa araw na yon ay ibinaon mo na lamang sa limot. Problema pa e final exam nyo noong araw na yon. Tinext ka ng kaklase mo, malapit na daw dumating ang prof nyo. Tapos ka ngayon! But wait there's more!

Dahil magaling ka na at sanay sa hirap... makakagawa ka nang paraan. Sangla. Utang. Benta ng laman... ng paninda sa palengke.

May pera ka na pangbaon! Wow! Makakapasok ka na. Pagpasok mo sasalubong sayo ang samut saring bayarin. Photocopy pa lang e taob na at nagwawagayway na ng puting tela ang bulsa mo. Butas na nga tinanggal pa. Ganyan talaga pag nag-aaral, madaming gastusin. Minsan nga mapapamura ka lang sa mahal ng bayarin e. P#$^%%^ naman oh!

Dadating ang lunchbreak habang nasa school ka. Pamasahe na lang ang natitira. Anong gagawin mo? Dahil mahirap ka nga at sanay na... gagamit ka ng tinatawag na DB taktiks! Dakilang buraot taktiks. Manghihingi ka ng piso kada kaklase mo, e 60 kayo sa klase... instant 60 pesos laman ng bulsa mo.

Gusto mo malaman pano ang tamang gawa sa DB taktiks? Simple lang... hingi ka ng limang piso sa kaklase mo, tiyak di ka bibigyan nun kaya naman bababaan mo lang. "Sige na please o kahit piso lang!" Mula limang piso pababa ng piso, magbibigay na yun. Hindi ka dapat mag mukhang kawawa, dapat para ka lang nawalan ng barya kaya kailangan mo. Ayan ang DB taktiks na naimbento namin ng kabarakada nung elementary pa ako. Epektib. Bagay para sa tulad nating mahihirap.

May lunch ka na. Pag may natira, pamasahe pa para bukas.

Uwian na. Nairaos mo ang araw sa iskwelahan at makapagfinals ka pa! Mabuhay ka kapatid!
Ngayon, pauwi ka na at iniisip mo naman kung may madadatnan kang ulam. Noodles. Sardinas. Kahit ano basta laman tiyan. Pag wala e mag duduldol ka ng asin. Magpriprito ng pagpag na talaga nga namang masarap. *Sana alam ng makakabasa nito ang pagpag*

Isip ka ng isip hanggang sa dumating ka na nga sa bahay nyo.

Ilag!!! May lumilipad na plato. Tatlo na nga lang ang plato nabasag pa ang isa dahil pinambato ng nanay mo sa tatay mong babaero. Wala ng pera kapal pa ng mukha papasok ng bahay nyo na may chikinini sa kwan.

Walang pagkain. Walang pinggan. Meron pang chikinini sa kwan ang tatay mo. Napepeste ka na ba sa buhay mo? Ayus lang yan. Sanayan lang yan.

Dahil hindi ka na maghapunan. Idadaan mo na lang sa tulog ang gutom. Gutom na gutom ka na talaga pero dahil isa kang matatag na tao, nasabi mo sa sarili mo, "Gutom na ako, okay lang... lilipas din yan." :)

Sabi ng nanay ko, ang problema sa pera ang pinakamadaling solusyunan. Isa lang din kasi ang solusyon. PERA!

:)) mahirap kumita ng pera. at mas mahirap pag hindi ka na nakakakita. Hindi mo nakikita na sa mundo, hindi pera ang tunay na nag papatakbo. Kundi ang pagpupursige mo na makamit mga pangarap mo. Mahirap kung hindi mo na nakikita na higit sa pera, pag-ibig ang dapat na inuuna. Hindi lovemaking ah. LOVE talaga. Mas mahirap pa lalo kung hindi mo na nakikita na ang pagmamahal sa magulang ay mas mahalaga kesa sa baon na binibigay nila. Ang pagmamahal sa pag-aaral ang magdadala sayo para di mo na gawin ang mga DB taktiks na sinabi ko.

Pinakamahirap naman ay kapag wala ka ng mata. Kasi di mo na to mababasa!
*poof*

6 comments:

  1. Hela, thanks for visiting maquoleet, add napo kta ah,
    nga pala bwt ths p0st, ang galing kc pareho tau nkagawa ng ganit0ng esay... My cnulat ak0ng il0kan0 verx0n nit0, ang title 'nagrigat iti narigat' exak translax0n ng title mu, at napublish un s laz isue ng schul paper namen...
    Lets b fwendz...

    ReplyDelete
  2. hahah! :) galing naman! haha! salamat sa link kung ganun!

    wow! galing naman nun. mahirap maging mahirap talaga diba?

    ReplyDelete
  3. thats nice..galing!!pero may solusyon sa kahirapan!!!!pabagsakin ang mga walang ibang ginawa...ang mapagsamantalang naghaharing uri!!!kelangan lang magsama-sama para sa isang mithiin!!!

    ReplyDelete
  4. HAHAHAHA!! BUHAY NA BUHAY ANG PUSONG MAKABAYAN! :P

    ReplyDelete
  5. yah ryt.. astig ng sinulat MC.. hahaha.. may tama ka dyan.. di sa lahat ng problema solusyon ang pera..

    ReplyDelete
  6. PERA. Nandyan lang yan. Eh ang mga pagmamahal ng magulang, kapatid, kaibigan, kasintahan... naku dapat yun ang ingatan!

    ReplyDelete